ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Matet, ipinagtanggol si John Rendez sa hinala ng iba na pera lang ang habol sa ina niyang si Nora
Kung anuman ang estado ng relasyon nina Nora Aunor at John Rendez, tanggap daw ito ni Matet de Leon, na isa sa mga anak ng superstar ng Philippine cinema.
Buhay naman daw ito ng kanyang ina, at mahaba na rin ang panahong pinagsamahan ng dalawa.
Bungad ni Matet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Si Kuya John naman, kung ano naman ang nangyari kay mommy, 'di naman niya iniwan.
"Puwedeng sabihin ng iba na pera lang ni mommy ang habol niya, pero hindi naman lagi ay mayaman si Mommy, 'di ba?
"Na nag-uumapaw ang anda [pera] niya, hindi naman laging ganun, nandiyan pa rin siya, bakit kaya?
"So yun na lang ang iniisip ko."
Pagdidiin pa ng InstaDad star, "Yun na lang ang ano ko, hindi naman niya iniiwan.
"Sa tingin ko, okay naman sila. Wala naman akong magagawa din.
"Kung hindi ko siya type, wala naman akong magagawa, kasi gusto siya ni mommy na kasama."
Malaking bagay din daw na mahal ni Ate Guy ang asawa ni Matet na si Mickey Estrada.
Dahil dito, wala siyang rason para kontrahin ang samahan nina John at Nora na pinanday na rin ng maraming taon.
Aniya, "A, oo, love niya si Mickey. Mas mahal niya si Mickey kaysa sa akin. Charot!
"Pero siyempre, love din niya ako at ang mga apo niya."
Kadalasan nga raw ay gusto nitong magpalambing sa kanyang mga apo.
Ani Matet, "Si Mommy, gusto niya talaga ang magpalambing.
"Kami, sa mga anak niya, hindi kami lumalapit.
"Ngayon, yung mga anak ko, lumalapit sa kanya. Kahit ano ang nasa mukha ng nanay ko, hahalikan talaga siya ng mga anak.
"So tuwang-tuwa ang mommy ko.
"Natutunaw ang puso niya, gustung-gusto niya yun.”
PREGNANCY. Samantala, limang buwang buntis ngayon si Matet na pangatlong anak na niya.
Marami ang nagsasabi na isa ang marriage nila ni Mickey sa pinaka-successful ngayon sa showbiz.
Pagmamalaki niya, "Okay kami ni Mickey, masaya naman kaming magkasama. Sa ngayon, ha? Bukas, 'di natin alam."
Dugtong niya na may halong biro, "'Yan naman ang laging sinasabi ko, 'Bukas, 'di ko alam baka hiwalay na kami bukas.'
"Wala kaming masyadong fights.
"Yun nga nagiging problema, wala kaming masyadong away.
"So 'pag nag-away kami, hard."– Glenn Regondola, PEP
Tags: matetdeleon, noraaunor
More Videos
Most Popular