ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Standing 5-6 at age 16, Kapuso teen star Gabbi Garcia dreams of joining Binibining Pilipinas
By ROMMEL GONZALES, PEP

Walang kapareha o ka-loveteam si Gabbi Garcia (bilang si Marikit) sa InstaDAD.
Marahil ay preparasyon ito dahil nalalapit na ang pagkakaroon ng drama series na sina Gabbi at Ruru Madrid ang mga bida, ang Let The Love Begin.
“Nakaka-overwhelm po, siyempre. And first time ko rin pong magtrabaho na walang ka-loveteam, so madi-discover ko din po yung individuality ko as an artist.
“And wala naman pong problema kasi magkaka-work po kami ni Ruru soon.”
Gaano katotoo na magge-guest si Ruru sa InstaDAD?
“Tingnan natin. Abangan,” ang tumatawang bulalas ni Gabbi.
Sixteen years old pa lamang at 5’6” ang height, aminado si Gabbi na gusto niyang sumali sa Binibining Pilipinas.
“Gusto ko po sana. Sana tumangkad pa ako! Sana po talaga.”
Idol daw niya na beauty queen si Shamcey Supsup.
May pagkakahawig nga sila ni Shamcey, at malaki rin ang pagkakahawig nina Gabbi at ng Kapuso actress na si Bettina Carlos.
“Oo nga po, marami po ang nagsasabi, si Ate Bettina Carlos po. Sobrang close po kami ni Ate Bettina, lagi po akong nagge-guest dun sa show nila, sa Idol sa Kusina ‘tsaka nagka-work na po kami sa Seasons Of Love. Siya po yung ate ko dun,” kuwento pa ni Gabbi.
Bilang artista, sino ba ang nais ni Gabbi na sundan ang mga yapak?
“Ako po kasi gusto ko po talaga ang peg ko, para sa sarili, ha, ang gusto ko po talaga maging, actress, singer, dancer. Kasi gusto ko pong i-hone yung sarili ko as a total performer.
“And not just that, but naka-graduate din.”
Nagawa naman iyon ni Gabbi dahil kaka-graduate lang niya ng high school sa St. Paul sa Pasig.
Kaklase niya sa nabanggit na school ang Kapamilya na si Julia Barretto.
“Julia and I are very good friends,” ani Gabbi tungkol kay Julia.
Sa kolehiyo ay gusto ni Gabbi na pumasok sa isang flight school para maging piloto.
“Ever since bata po ako gusto ko po talaga [maging piloto]. Childhood dream ko.
“Kasi po ang mommy ko po stewardess po siya. So, ever since bata ako, exposed po ako sa airline, sa travelling, so ‘ayun po,” paliwanag ni Gabbi. -- PEP
For the full story, visit PEP.
Tags: gabbigarcia, binibiningpilipinas
More Videos
Most Popular