ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sheena Halili clarifies rumors about friendship with Marian Rivera


Kumusta ang friendship ni Sheena Halili kay Marian Rivera? May intrigang hindi na sila close tulad dati.

“Okey naman ang friendship namin ni Marian! Hindi lang kami masyado…hindi kami actually nagkikita talaga. Pero nagte-text kami sa isa’t isa, once in a while kinukumusta niya ako.

“Nung storycon [ng The Rich Man’s Daughter kung saan bida si Marian], naku, ang dami-dami naming napagtsikahan agad!

“’Tapos tinginan lang kami nang tinginan, alam mo yung kahit matagal kaming hindi nakapagtrabaho together or nagkasama together, naging busy kami sa kanya-kanya naming buhay, yung mga tinginan namin naiintindihan pa rin naman namin.

“Iyon naman ang totoong magkaibigan, ‘di ba?  Yung kahit hindi kayo nagkikita palagi, nag-uusap palagi, pero ‘pag nagkita kayo, ‘andun pa rin yun.

“And yung pagmamahal ni Marian sa mga kaibigan niya, kaya mahal na mahal din naman namin siya, kasi hindi nagbabago. At saka napaka-protective at napakamaalaga niyang kaibigan.

“Kaya naman nung kasal niya ang dami-dami naman niya talagang guests, ‘di ba?

“Sobrang dami, sobrang alam mo yung nakita ko talaga dun na ang daming nagmamahal kay Marian, kay Yanyan, and  kay Kuya Dong [Dingdong Dantes].

“Sobrang parang hindi ako makapaniwala na, kasi madalas ang mga napupuntahan kong kasal maliliit lang na wedding.

“Sila [Marian at Dingdong] hindi talaga sila puwedeng magkaroon ng maliit na wedding dahil ang dami-dami talagang nagmamahal sa kanila.

“At lahat iyon nabigyan naman nila ng parte, nabigyan nila ng importansiya.

Mabigyan ka nga lang ng opportunity na makasama sa kasal na yun, sa dami-daming guests, e, ‘di ba talagang mararamdaman mo talaga na espesyal ka kay Marian?”

Wala raw katotohanan ang tsikang nagtampo si Sheena na hindi siya abay sa kasal nina Marian at Dingdong Dantes last December.

“Hindi man ako abay parang, meron din naman akong ginawa sa church and hindi naman importante yun, e.

“Basta ang akin, masaya ako sa kasal nila.

“Kaya naman nung kasal niya, napakaraming tao, napakaraming kaibigan na nadoon, hindi siya talaga puwedeng magkaroon ng simple at maliit na wedding kasi talagang ang dami-daming nagmamahal sa kanya.

“Ultimo yung mga fans niya nandoon, lahat ng mga nakatrabaho niya nandoon talaga, talagang binigyan niya ng importansiya at hindi siya nakalimot.

“Kaya naman napaka-blessed ni Marian and makikita natin na masaya siya, yung kasiyahan kasi ng isang kabigan kapag nakikita mo na masaya siya, ‘di ba, parang nahahawa ka?

“Well iyon yung naibibigay niya sa amin na kasiyahan, kumbaga ‘pag kasama namin siya, talagang mahahawa ka dun sa good vibes na dala niya.

“At yun nga, dahil mahal niya kaming mga kaibigan niya, napakarami niyang kaibigan, napakayaman niya sa kaibigan kaya, ‘di ba ang dami rin niyang bridal showers na nangyari? Ang dami kasi talagang taong nagmamahal kay Yanyan.

“And isa lang siyang tao, kumbaga, nabibigyan niya kami lahat ng importansiya, ‘di ba? So hindi naman kami dapat magtampo kung hindi niya kami laging napupuntahan o nakikita.”

Para kay Sheena, hindi nasusukat kung ilang beses magkita ang isang magkaibigan.

“Iyon naman ang totoong friendship, e. Yung ‘pag nakikita mo na masaya ka, ‘pag may nakikita siya na post ko na masaya…nung nalaman nga niyang nakipag-date ako last year happy daw siya for me.

“Well ‘ayun na nga, hindi ko pa natsitsika sa kanya na hindi rin natuloy,” at tumawa si Sheena. -- PEP

For the full story, visit PEP.