ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Reaction to rumors about affair with Gerald Anderson? Janice De Belen posts cryptic message


Isang makahulugang quote ang ipinost ni Janice de Belen sa kanyang Instagram account kahapon, April 21.
 
Posibleng reaksiyon ito ng 46-year-old actress sa muling paglabas ng isyung may namamagitan diumano sa kanila ni Gerald Anderson, 26.
 
Nagkatrabaho sina Janice at Gerald sa isang primetime series noong 2011-2012. Gumanap sila rito bilang mag-ina.
 
Sa nasabing teleserye rin nabuo ang pagkakaibigan ng dalawa, at dito rin nagsimulang bigyang-kulay ng iba ang kanilang samahan.
 
Gayunpaman, dati na nila itong itinanggi.
 
Subalit muli na namang nabuhay ang isyu dahil sa kumpirmasyon ni Gerald kamakailan na hiwalay na sila ni Maja Salvador.
 
Naungkat ang pagkakaroon ng third party sa breakup nina Gerald at Maja, at lumabas sa ilang entertainment columns na itinuturo si Janice na dahilan diumano ng hiwalayan nila.
 
Nitong Martes, April 21, nag-post si Janice ng isang quote sa Instagram na tila sagot sa mga akusasyong pagiging third party umano niya sa hiwalayang Gerald-Maja.
 
 

A photo posted by Janice de Belen (@super_janice) on

 
Ang sabi sa post ng aktres: “Rumors are carried by haters, spread by fools, and accepted by idiots.”
 
Sa comments section ng nasabing post, pinasalamatan ni Janice ang mga nagtatanggol sa kanya mula sa mapanirang akusasyon. —PEP