ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Luis Alandy recalls relationship with an actress who had a lesbian affair
By ROSE GARCIA, PEP

Sa upcoming primetime series ng GMA Network na The Rich Man’s Daughter, ginagampanan ni Luis Alandy ang papel ng isang lalaking ipinagpalit ng kaniyang fiancée (Rhian Ramos) sa isang kapwa-babae (Glaiza de Castro).
Sa totoong buhay, nagkagusto na ba siya sa isang babaeng nadiskubre niyang lesbian pala?
“Wala naman!” natawang sagot ng aktor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Sigurado siya palagi sa mga naligawan o nililigawan niya?
Sabi ni Luis, “Kasi ako naman, well, like years ago na… hindi naman ako yung I always go on a date with someone.
“Siguro noong younger days ko. But, I have relationship din naman.”
Sa kabilang banda, hindi itinanggi ni Luis na nagkaroon na siya ng girlfriend na may karanasan sa lesbian relationship bago naging sila.
Ito ay ang Kapamilya actress na si Desiree del Valle.
Naging malaking isyu noong early 2000s ang pakikipagrelasyon ni Desiree sa isang Elaine Crisostomo.
May mga lumabas pa ngang balita noon na nagpakasal diumano sina Desiree at Elaine sa Las Vegas.
Pagkatapos ng relasyon ng dalawa, naugnay naman si Elaine sa dating aktres na si Aiza Marquez.
Si Desiree naman ay naging nobyo si Luis.
Sabi ni Luis tungkol kay Desiree, “Crush ko siya dati pa, Tabing-Ilog pa lang.”
Hindi na raw matandaan ni Luis kung ilang taon tumagal ang relasyon nila ni Desiree.
So, nakaka-relate pala siya sa karakter niya sa The Rich Man’s Daughter?
Tugon niya, “Hindi naman sa nakaka-relate kasi iba naman ang sitwasyon, iba ang mga nangyari.
“Pero in terms of being in a relationship with lesbian, parang ganun.”
Totoo bang mas naa-attract o natsa-challenge ang lalaki kapag ang babae ay may pagka-boyish o pagka-tomboy?
Sagot ni Luis, “Boyish na term na sporty o being adventurous or just being game kung pumunta man ng ganito o ganyan, nakaka-attract talaga.
“Kumbaga, you get to know the person.
“Pero siguro kung hitsura, depende.
“May mga boyish na magaganda rin talaga.
“Pero yung iba kasi, arteng lalaki na talaga.” -- PEP.ph
Tags: luisalandy, therichman
More Videos
Most Popular