ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Aubrey Miles shows full support to husband Troy Montero's movie production venture





Todo ang suporta ng dating sexy actress na si Aubrey Miles sa pinakabagong venture ng kanyang asawang si Troy Montero na nagpu-produce ngayon ng indie movies, bukod pa sa isang production company na itinayo nito bilang negosyo.

Si Troy at ang Haunted Tower Pictures, Inc., ang siyang nag-produce ng horror movie na, Binhi (The Seed), na pinagbibidahan nina Mercedez Cabral, Joem Bascon, Roxanne Barcelo, at marami pang iba.

Ito ay sa direksiyon ni Pedring Lopez, at nakatakdang ipalabas sa May 21.

Nang eksklusibong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aubrey sa premiere night ng nasabing pelikula na ginanap sa Cinema 3 ng Glorietta 4 sa Makati City, sinabi niyang masaya siya sa pinakabagong proyekto ng kanyang asawa.

Pahayag ni Aubrey, “At last, natuloy na talaga siya, proud naman ako sa kanya.

“Halos 'di ko na siya nakikita nung nasa Baguio sila, siguro sa three weeks, three days lang kami magkita.

“Hirap din, pero okey lang naman, kasi almost three months lang din naman nila ginawa yun.

“Busy talaga siya, halos ano, umagang-umaga na siya kung umuwi, o madaling araw.”

Kahit paano raw ay may partisipasyon din siya bago pa i-shoot ang Binhi.

Aniya, “Actually, nung sa casting, nagtanong siya sa akin, kung sino ang okey.

“Nag-suggest ako. Actually, 'yan si Cholo [Barretto], ang nag-suggest niyan, yung hitsura, kung okey ba.

“Kasi, nag-horror na ako before, 'di ba?

“Mga tatlong horror movies din nagawa ko before, kaya nagtanong siya sa akin.

“Ngayon, nagpi-pitch in, pitch in lang ako ng mga ideas.”

FULL SUPPORT. Hindi rin daw nawala ang suporta niya sa kanyang asawa lalo na sa mga problemang pinagdaanan nito sa production.

Saad ng dating sexy actress, “Ang dami, lalo na 'pag... lahat sila abunado dahil magastos, e.
“Naiintindihan ko naman, ganun talaga.

“Sabi ko sa kanya, 'Alangan naman na tipirin mo 'yan, indie na nga, titipirin mo pa?'

“Kailangang maganda naman, yung suporta, itodo na.

“Sabi ko nga, 'Sa susunod ako naman, ha?' Kasi, nami-miss ko na ang mag-horror.

“Na-nominate pa ako diyan sa Sanib na 'yan, 'tapos nag-Pasiyam pa ako, next time, gusto ko nasa cast din ako.” -- For the full story, visit PEP.



Tags: aubreymiles