ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Louise delos Reyes doesn't believe woman claiming to be her real mother

Hindi naniniwala si Louise delos Reyes sa kini-claim ng babaeng nagngangalang Morena Ebrada na siya ang tunay na ina nito at ipinaampon lang daw siya sa kinagisnan niyang mga magulang na sina Jun at Elvie Perido.
Inilahad ni Morena sa 24 Oras kung paano raw napunta si Louise sa kinagisnang magulang ng young actress.
Sabi naman ni Louise nang nakausap siya ng Startalk kahapon, May 23, “Naisip ko lang po, paano niya naisip na ako talaga yung iniisip niya na anak niya?
“Which is, for me, parang mas nagtanong ako sa kanya.
“Parang ano yung background niya na ikuwento sa akin lahat?
“Parang yung pag nagkuwento siya, putul-putol lang.
“So, hindi ko ma-picture kung ano yung gusto niyang iparating sa akin.
“Kung paano ako napadpad sa... kung sakali mang totoo, sa magulang ko ngayon, sa pamilya ko ngayon.”
Nang nagkita sila ni Morena, hindi lang daw masabi ni Louise nang diretsahan na hindi siya naniniwala sa sinasabi nito.
Natitiyak daw kasi ni Louise na taga-Cavite siya, na lahat ng alaala niya magmula nung nagkaisip siya ay sa Tanza, Cavite.
Taliwas ito sa mga sinasabi ni Morena na nanggaling siya sa ibang lugar.
“Hindi ko po kasi alam kung paano ko idi-deal sa kanya, kasi madali lang magsalita kapag isyu lang siya.
“Pero pag may taong involved, ang hirap saktan yung damdamin niya,” pahayag ng 22-year-old Kapuso actress.
Hindi raw niya masabi kay Morena kung ano ang nasa isip niyang “Pasensiya na po kayo, pero hindi po ako yung anak ninyo.”
Saad pa ni Louise, “Hindi ko lang masabi talaga nang direkta sa kanya kasi, yun nga po, masasaktan siya.
“Pero ayoko rin naman masayadong ipakita yung simpatiya sa kanya, kasi may pamilya din po akong inaalagaan.
“Yung nararamdaman ng pamilya ko, nararamdaman ng nanay ko.
“So, ang hirap po talaga ng sitwasyon ko, kasi ako yung nasa gitna.”
Ang hangad ni Louise ay sana matagpuan ni Morena ang tunay niyang anak at ang kapatawaran na matagal na nitong hinahanap.
“Maraming salamat kasi kung iniisip mo ako yung anak niya.
“Pero sana mahanap niya yung tunay niyang anak.
“Sana yung peace na hinahanap sa sarili niya, yung kapatawaran na hinihingi niya sa akin, ibigay ng tunay niyang anak.
“Sana yung anak niya, hindi magkaroon ng galit sa kanya na mabuhay silang magsama-sama katulad namin ng nanay ko.
“Siguro I wish her happiness and peace sa puso niya,” pahayag ni Louise. -- PEP
For the full story, visit PEP.
Tags: louisedelosreyes
More Videos
Most Popular