ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Kathryn Bernardo's mom hits at bashers spreading fake nude photos of daughter
By BERNIE V. FRANCO, PEP
Naghayag ng kanyang saloobin ang ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo, sa pamamagitan ng Twitter, nitong Miyerkules, May 27, dahil sa usap-usapang pagkalat diumano ng fake nude photos ng kanyang anak.
Sa kanyang Twitter account (@min_bernardo), nag-tweet si Mommy Min laban sa bashers ni Kathryn.
Happy ba kayo sa mga ginagawa nyo?? Ano ba napapala nyo, kumikiTa at sumisikat siguro kayo??Ano naman ang susunod?? Sana huag kayong makarma
— min bernardo (@min_bernardo) May 27, 2015
Sinabi rin niyang sana ay huwag makarma ang mga kritikong ito sa kanilang ginagawa.
Bumuhos din ang words of encouragement at suporta ng fans ni Kathryn sa social media hinggil sa nasabing isyu.
Tiniyak naman ng KathNiel fans na buung-buo nilang ibibigay ang kanilang suporta sa kay Kathryn sa isyung ito.
Ayon pa sa isang fan na nag-comment sa Instagram, napag-alaman niyang dinibdib ni Kathryn ang pagkalat ng fake nude photos, pero susuportahan at ipagdarasal nila ang aktres sa pinagdadaanan nito. -- PEP
For the full story, visit PEP.
Tags: kathrynbernardo
More Videos
Most Popular