ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maegan Aguilar now open to reconciliation with dad Freddie Aguilar




(Photo: Borrowed from Maegan Aguilar's Facebook Fan Page)
 
Makalipas ang mahigit isang taon mula nang magkaroon sila ng matinding away, tila magkakaroon na rin ng reconciliation sa pagitan ng mag-amang Freddie at Maegan Aguilar.

Pahayag ni Maegan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Merong something in progress para magkaayos kami. 

“Sana magkaayos kami. 

“Kasi mahirap to go on na may alitan at may hindi magandang nangyayari.

“So, kung kaya ko, mas gusto ko na lang na magkaayos kami.”

Matatandaang noong unang bahagi ng 2014 ay pumutok ang balitang pinalayas diumano ni Freddie si Megan—kasama ang kanyang dating live-in partner at kanilang mga anak—matapos ang pagtatalo nila na may kinalaman sa bulok na gulay at utang na nagkakahalaga ng P1,500.

Isa pang dahilan ng sobrang panggagalaiti ni Maegan sa ama ay dahil hindi raw inisip ni Freddie na may tatlo siyang anak, kabilang na ang anim na buwan pa lamang noong baby niya.

Kailan na-realize ni Maegan na dapat ay magkabati na sila ng kanyang tatay?

Sagot niya, “Dati pa naman, napatawad ko na siya. 

“Pero siyempre, may tampo pa, ayoko munang magpakita. 

“Pero kasi, like I said, pangit magpatagal ng ganung klaseng alitan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maegan sa RJ Beauty Salon, sa Gilmore Avenue, Quezon City, noong Sabado, May 30.

REACHING OUT. Noong kasagsagan ng kanilang away ay iginiit ni Maegan na pakiramdam niya ay naagrabyado siya nang husto. Pero ngayon ay tila lumambot na rin ang kanyang puso para sa ama.

Saad niya, “Yes, ako nga ang talo. 

“Pero kasi, alam mo naman pag anak ka, siyempre meron kang katungkulan sa magulang mo. 

“So, unti-unti na akong… parang tinatanggap ko na uli yung papel na yun sa mga magulang ko na anak lang nila ako.”

May effort ba si Ka Freddie na makipag-ayos o mag-reach out sa kanya?

“Well, napanood ko siya last time,” sabi ni Maegan, na ang tinutukoy ay ang huling interview ng Startalk sa legendary folk singer.

“Tapos nakipag-usap din siya sa mommy ko at sa tita ko, kung saan very close ako. 

“Nagpasabi na siya na pinapauwi na niya kami [ng mga anak ko].

“Gusto na niya kami magkaayos.

“So, kung ganun na ang sitwasyon, bakit pa ako magmamatigas? 

“Kasi ayoko rin naman yung masyado akong ingrate, espesyal. 

“Kumbaga, nagbibigay na ng senyales si Tatay na magkaayos kami. 

“So, parang ako, I don’t feel like I’m in that place na idini-deny nang idi-deny. Kasi bad din naman yun.

“So, kahit nadehado ako, natalo ako, once a person you had a fight with, misunderstanding with, admits na it should be brushed aside para magkaayos, that’s something special.

“Hindi naman lahat ganun. Usually, always pride yung pinapairal.”
 
LETTING GO. Naniniwala naman si Maegan sa mabuting intensiyon ng kanyang ama na magkaayos na sila nito, dahil galing mismo ang balita sa mommy at tita niya.

Ano ang advice nila sa kanya?

“Siyempre, sinabi nila na to let it go, that everything is not as bad as I think. It’s okay na.

“Ako naman kasi, hindi naman ako, like they said before, alibughang anak. Hindi naman ako ganun. 

“Meron namang pinagmulan yung pain ko. Hindi naman nangyari lang out of nowhere. “

May mga terms ba siya kapag nakapag-usap na sila ni Ka Freddie?

Ayon kay Maegan, “Siyempre, my terms are hindi na ako babalik. 

“I will continue to live in the apartment I found with my kids. 

“I will continue to just live far away. 

“Eto nga, ipinagdadasal ko, isang linggo na, hinihiling ko sa Diyos na makahiling ako ng trabaho sa GMA-7. 

“Makapasok ako sa network, kahit hindi ako star, kahit ano, basta meron lang. 

“Para hindi na ako kakaba-kaba kung paano ako magtatrabaho para sa mga anak ko.

“Saka rin kasi, number two, ayoko yung magkakabati kami para lang makabalik ako doon, makauwi, para gumaan yung mga responsibilidad ko sa buhay ko.

“Kasi, that means I have a motive. Wala akong motibo. 

“Ang gusto ko lang, magkaayos kami para manahimik yung buhay namin. -- For the full story, visit PEP.