ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Why Sunshine Cruz keeps posting sexy photos on Instagram
By JULIE E. BONIFACIO, PEP
Pinag-usapan ang paglabas ng Instagram photos ni Sunshine Cruz kung saan naka-two-piece swimsuit siya.
Marami ang nagsasabi na sa edad niyang 37 at sa kabila ng pagkakaroon ng tatlong anak ay napanatili pa rin ni Sunshine ang kanyang kaseksihan.
Kuwento ni Sunshine tungkol sa kanyang sexy photos, “Nakakatawa, e, yung yaya ko, siyempre, ‘di ba, kahit naman nagseksi-seksi tayo, nangangalawang din tayo.
“So, okay, ‘Take na tayo. Bilis, bilis, bilis. Pose, pose, pose. Okey, tapos na. Yung bandana! ‘Yung bandana!’ Ganoon ako.
“Pero ‘eto na lang, summer ulit, parang you have a reason to wear your swimsuit na pinag-usapan na nag-two-piece ako.”
Ngunit paglilinaw ng aktres, “Hindi naman dahil sa meron kang gustong patunayan, but you’re here...
"Ako, as a mom, single mom of three, I want to inspire other moms na not because meron na kayong mga anak, magpapabaya na kayo sa katawan.
“Dapat alagaan ninyo pa rin rin ang sarili ninyo.
“Not for your husband, not for other people, but for yourself.
“Kasi nag-iisa lang ang katawan natin, so we should stay healthy.
“If you want to live long, you have to take care of your loved ones, your family, your kids, kailangan malakas ka.
“Ako ngayon yun, kasi hindi naman ako nag-e-exercise noon. Ngayon, nag-e-exercise na ako.
“Yun ‘yon and not for anything else.
“Kasi siyempre, yung ibang mga tao, sinasabi nila, ‘Hmmm, ano lang ‘yan, nagpapapansin lang ‘yan sa ex niya,’ yung mga ganoon.
“Hindi kaya! Bakit ako magpapapansin?
“I’m doing it for myself.
“I’m doing it for people na tinitingnan ako na kahit papa’no nagiging inspirasyon nila ako. Yun yung sa akin.
“Hindi ko naman kailangang magpapansin.
“Hindi naman ako pinalaking KSP ng nanay ko, ng mga magulang ako.
“Ako, basta I’m doing my job.
“I’m doing things na alam kong makaka-inspire or makakabuti sa ibang tao.” —PEP
Tags: sunshinecruz, multimedia
More Videos
Most Popular