ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
What Krista Miller thinks of Cesar Montano's rumored romance with Sandra Seifert
By NONIE V. NICASIO, PEP

Wala raw alam si Krista Miller sa balitang relasyon nina Cesar Montano at Sandra Seifert, pati na ang isyung buntis diumano ang dating beauty queen sa anak nila ng actor-director.
Matatandaang ilang taon na ang nakalilipas ay naugnay si Krista kay Cesar, bagamat pareho nila itong itinanggi.
Ayon kay Krista, “Actually, hindi ko nga alam yung balita, e, kasi wala akong update sa mga showbiz ngayon.
“Kasi naka-focus ako sa life ko talaga ngayon. Wala akong alam sa ganoong mga issue.
"Pero kung anuman, I’m happy for them."
Ano ang masasabi ni Krista sa balitang magiging ama ulit si Cesar?
“Talaga, bakit ano… bakit may gano'n?” natatawang biro niya.
Pero sinabi ni Krista na nagpapasalamat siyang nalagpasan na niya ang mga intriga sa kanila ni Cesar noon.
“Wala na, sobrang burado na lahat.
"Parang ano lang, e, kapag titingnan mo ay parang nakakatawa na lang, e.
“Parang, ‘My God, nalagpasan ko iyon!’ Parang, 'Ang galing-galing Mo naman!'”
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Krista sa press conference para sa World Premieres Film Festival Philippines/Filipino New Cinema section, noong June 4.
Kasama si Krista sa entry na Piring (Blindfold), ang directorial debut ng aktor na si Carlos Morales.
Bukod kay Krista, kasama rin sa cast sina Yussef Esteves, Bembol Roco, at Tessie Tomas. -- PEP
For the full story, visit PEP.
More Videos
Most Popular