ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Why Ryza Cenon isn't shy about posting bikini shots on IG


 
 
 
 
 
 


Nitong nakaraang buwan, umani ng papuri si Ryza Cenon sa mga follower niya sa Instagram dahil sa sunud-sunod na pagpu-post niya ng kanyang photos na naka-two piece bikini.

Ito ay kuha sa isang bakasyon ng aktres.

Marami ang bumilib sa kaseksihan nito na ipinagpapasalamat niya.

Saad niya, bukas naman siya sa pagpapa-sexy kaya hindi siya nag-alinlangang maglabas ng mga bikini shots niya sa social media.

Nangingiting sabi pa ni Ryza, "Dati pa naman akong nagpapa-sexy. Nag-FHM na nga ako, e.

"So kahit ano naman ang ibigay sa akin, open naman ako, basta trabaho."

Pero bakit parang urung-sulong siya sa pagpapa-sexy at hindi masasabing all-out?

Umaayon namang sabi ni Ryza, "Hindi nga ganong ka-all out. Pero hangga't kaya, hanggang sa kung ano ang kayang ibigay, iibigay ko."

May mga limitasyon nga lang si Ryza kung sakali mang bigyan siya ng sexy challenging scenes.

Rason niya, "Siyempre, iniisip ko pa rin kung ano yung magiging balik sa akin no'n at sa kung ano ang gusto kong isipin ng tao sa akin.

"Mahirap gumawa ng isang desisyon na pagsisihan ko rin. Doon lang sa kaya ko.

"Kung ano yung kaya ko, malalaman ko kung may offer na or kung may ipapagawa sa aking daring role o scenes."

Kabilang si Ryza sa listahan ng taong ito ng FHM 100 Sexiest Women in the World.

Pero hindi muna raw siya rarampa. -- PEP

For the full story, visit PEP