ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gretchen Ho speaks up on pregnancy rumors




Nagsalita na ang athete-host na si Gretchen Ho tungkol sa mga lumabas na balitang nabuntis siya ng nobyong si Robi Domingo.
 
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gretchen nitong Biyernes, June 12, sa Philippine Fashion Week Holiday 2015 sa SM Aura, pinaabulaanan ng dating volleyball player ng Ateneo Lady Eagles ang isyung ito.
 
Nauna nang itinanggi ni Robi ang naturang isyu ng pagbubuntis ni Gretchen sa hiwalay na panayam noong nakaraang Sabado, June 6.
 
Sa naturang panayam, sinabi ni Robi na malabo pang mangyari iyon dahil pareho nilang pinahahalagahan ang kasal dahil na rin sa kanilang relihiyon.

Sinang-ayunan naman ni Gretchen ang sinabi ng nobyo.

Aniya, “Well, I think nasagot naman na ni Robi.
 
“We’re protecting the sanctity of marriage so it’s not gonna happen.”
 
Giit pa niya, makikita naman sa katawan niya kung totoo ang intriga.

Sabi ng 25-anyos na si Gretchen, “It’s been months since that rumor came out and look at me.
 
“I still look the same. Bahala na yung mga nagke-create ng rumor na ‘yun.

Tinawanan din ng dalaga ang isa pang intriga na umano'y may ibang karelasyon na probinsyana si Robi.

Sa kabila ng mga intriga, sinabi ni Gretchen na matatag pa rin ang relasyon nila.
 
Mensahe niya sa mga nagkakalat ng tsismis tungkol sa kanilang relasyon, “God bless you all.” -- For the full story, visit PEP.
Tags: gretchenho