ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Louise delos Reyes says no to DNA testing
By ROSE GARCIA, PEP

Hinarap na ng Kapuso young star na si Louise delos Reyes ang nagpapakilalang diumano’y tunay niyang ina.
Pero pagkatapos ng paghaharap na yun, nag-post si Louise sa kanyang Instagram account ng bago niyang tattoo—ang mga numerong "09.01.92" (September 1, 1992), na para sa kanya ay ang nakagisnan at alam niyang kaarawan niya.
Taliwas sa sinasabi ng nagpapakilalang nanay niya na ibang araw raw ang kapanganakan ni Louise.
Ang pagpapakita niya ng kaniyang tattoo ay simbulo na kahit nakaharap na niya ang nagpapakilalang tunay niyang ina ay ang nakagisnan niyang mga magulang pa rin ang pinaniniwalaan niyang tunay na nagsilang sa kanya.
Sa GMA Kapuso Family Day noong Sabado, June 13, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise pagkatapos ng lahat.
“Okey naman,” nakangiting pahayag niya.
“Kasi, alam ko naman kung ano ang totoo.
“Nasasaktan lang ako kapag, alam mo yun, parang mas alam pa nila ang totoo sa akin.
“Doon lang ako nao-offend kasi, nasasaktan nila ang pamilya ko.”
Ang kinikilala at nakagisnang nanay ni Louise ay si Elvie Perido. Paano nito nagagawang tanggapin na may ibang babaeng umaako sa papel niya sa buhay ng aktres?
Ayon kay Louise, “Si Mama kasi, may Twitter siya, ayoko siyang mag-social media muna.
“Pinag-diet ko muna siya sa social media!
“Tapos ako naman, ipinaparamdam ko sa kanila na kahit anong sabihin, magulang ko sila, e.
“I’m just protecting them.
"Minsan, hindi ko lang talaga maiwasang sumagot sa mga bashers or sa mga nagku-comment."
May nakita ba siyang pagbabago sa relasyon nila?
Ayon kay Louise, “Napansin ko na mas naging protective siya sa akin, actually, mas naging close kami.
“Siyempre, ito ang mga topic na hindi madalas napag-uusapan, hindi naibabato sa pamilya basta-basta.
“So, noong napag-usapan namin ‘to, bumalik sa kanya yung childhood ko, kung gaano kami ka-close.
“Parang bumalik ulit, nagkaroon ulit ng asim!”
Natawa pa si Louise sa napili niyang salita ng paglalarawan ng relasyon nila ng ina.
Wala rin daw siyang nararamdamang missing childhood.
“Wala po, e, wala talaga,” saad niya.
Karamihan sa netizens na nagbibigay ng komento sa kanya ay nag-suggest na bakit hindi siya magpa-DNA testing para masigurado talaga kung sino ang totoo niyang ina.
Natatawang sagot naman ni Louise, “Gastos lang yun, gastos lang, e!
“At saka, hindi na kailangan. Hindi na kailangang dumating sa ganung point.
“I’m very sure about my identity, so parang mag-aaksaya lang tayo ng panahon, pera.
“Parang tama na, tama na yung isyung yun, tapos na, moving on.”
May naging maganda rin bang naidulot sa kanya o sa pagkatao niya yung pangyayaring ito?
Sagot ni Louise, “In a way, nahanap ko na sa sarili ko si Grace [Mary Grace Perido ang tunay niyang pangalan].
“Kasi noong tinitingnan ko ang mga baby pictures ko…
“Noong nakipag-usap ulit ako sa mga kapitbahay ko… masyado na kasi akong occupied ng trabaho, Manila.
“Noong bumalik ako ulit sa Cavite, parang refreshing, naging balance.” -- For the full story, visit PEP.
Tags: louisedelosreyes
More Videos
Most Popular