ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ruru Madrid says he will court Gabbi Garcia when she turns 18


 

Sa muling pagkakataon ay diretsong tinanong si Ruru Madrid kung sila na ba ni Gabbi Garcia.

At sa muli, itinanggi niya ito, “Po? Hindi pa po,” at tumawa ang Kapuso young actor.

Kailan sila aamin?

“Hindi, hindi pa po, e. Pagka naging kami na, aaminin ko po agad.”

Kailan iyon?

“Baka matagal-tagal pa po, kasi siyempre sixteen pa lang si Gab, ‘tapos ako po seventeen pa lang.

“Hihintayin ko siyang mag-eighteen.”

At dun lang niya liligawan si Gabbi?

“Yes!”

Nakausap namin si Ruru sa taping ng show nila ni Gabbi, ang Let The Love Begin sa Annex Building ng GMA Network Center noong Miyerkules, June 17.

Natanong naman si Ruru tungkol sa pag-imbita niya kay Gabbi sa isang pa-concert sa Philippine Sports Arena ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo kung saan kasapi si Ruru.

“E kasi po, 'di ba lagi naman po akong nasa Philippine Arena? So marami rin pong mga fans dun na gusto pong makita si Gab.”

Madalas daw na may event o concert ang INC.

“Kasama po namin sina Jay R, sina Kyla, concert po talaga.”

Tulad ni Gabbi ay hindi miyembro ng INC sina Jay R at Kyla, nag-perform lang ang mga nabanggit sa concert.

“Wala lang po, para magpasaya lang,” kuwento pa ni Ruru.

“‘Di po ba marami kasi akong fans na talagang laging nasa Arena?

“Whenever nandun ako, tini-tweet nila ako na sana one day isama ko si Gab.

“So iyon po yung chance para masama ko si Gab.”

Nag-duet raw sila ni Gab ng Let The Love Begin sa naturang concert kamakailan.

COURTSHIP. Sina Gladys Reyes at Christopher Roxas, bago pa man magkaroon ng relasyon noon ay nagpaka-convert na si Christopher sa INC kung saan miyembro si Gladys.

Sabi ni Ruru, “Ganun po talaga, bago ka manligaw  ng isang girl, kailangan INC.

“Kasi diyan po mangyayari yung magulo, kunyari kayo na, hindi nyo alam kung saan kayo pupuntang dalawa. 

“Maraming mga bagay na hindi puwede sa iyo pero gusto niya yun.”

Paano kung hindi pumayag si Gabbi na magpa-convert sa INC?

“Basta gagawin ko po ang lahat!”

Kapag eighteen na si Gabbi ay sisimulan na niyang gawin ang lahat?

“Siguro po. Basta legal naman po.

“Ipapaalam ko po muna sa parents niya kung puwede po.” -- For the full story, visit PEP.