ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Megan Young and Tom Rodriguez star in Marimar remake; expect comparison with Marian and Dingdong
By GORGY RULA, PEP
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mas lamang ang excitement kaysa kaba na nararamdaman nina Megan Young at Tom Rodriguez sa pagbibida nila sa remake ng Marimar.
Ginanap ang story conference ng Marimar sa 17th floor ng GMA Network Center noong Lunes, June 22, at dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa.
Ayon kay Megan, “Mas excited siguro ako kesa sa kinakabahan.
“Kasi, first project ko after I signed with GMA, and isa pang napakagandang project na ibinigay sa akin, na Marimar.
“So, excited po ako.”
Sabi naman ni Tom, “Parang mixture of feelings na nilagay ako sa bottle na inalog-alog.
"Pero pag pinagsama mo lahat 'yun, masarap ang pakiramdam."
Inihalintulad din ni Megan ang pagkakapili sa kanya bilang bida sa Marimar nung sumali siya at nanalo sa Miss World noong 2013.
“Actually, parang kinu-compare ko siya nung time na nag-Miss World ako.
“Kasi nung time na 'yun, malaki din ang expectations nila.
“So, sabi ko na lang, I’ll do it in my own way, na hindi ako susunod sa ginawa ng iba,” pahayag niya.
DongYan
Ang Marimar ay hango sa hit Mexican drama series noong 1994 at pinagbidahan ng Mexican singer-actress na si Thalia.
Ang Marimar ay hango sa hit Mexican drama series noong 1994 at pinagbidahan ng Mexican singer-actress na si Thalia.
Noong 2007 ay gumawa ang GMA Network ng Philippine version nito na siyang naging launching vehicle ni Marian Rivera.
Sa MariMar din unang nakatambal ni Marian si Dingdong Dantes, na gumanap bilang Sergio Santibañez, at kinalaunan nga ay nagpakasal ang dalawa sa totoong buhay.
Inaasahan na raw ni Megan na ikukumpara siya kay Marian, kaya gusto sana niyang makausap ang GMA Primetime Queen upang makahingi siya ng payo rito. —PEP
For the full story, visit PEP.
More Videos
Most Popular