ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ruffa Gutierrez reconciles with mom Annabelle Rama at Elvis-Alexa wedding


 
 
Naging daan ang kasal nina Elvis Gutierrez at Alexa Uichico nitong Biyernes ng gabi, June 26, upang tuluyan nang magkabati ang mag-inang sina Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez.

Basahin: Annabelle Rama still refuses to accept daughter Ruffa's boyfriend

Tapos na ang programa sa reception, na ginanap sa The Blue Leaf Events Pavilio, nang maganap ang pagbabati ng mag-ina.

Sa posts sa social media nina Anna Pingol ng YES! at Allan Diones ng Abante Tonite, “Thanks to Elvis” ang pareho nilang sinabi nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano nangyari ang pagbabati nina Annabelle at Ruffa.

Ibig sabihin, si Elvis ang naging tulay o nakiusap sa dalawa na tapusin na ang kanilang alitan.

Kaya naging masayang-masaya naman daw si Elvis sa pagkakaayos ng ina at kapatid.
 
REACHING OUT. Pero ilang oras bago ang pagbabati nila ng ina, nakausap ng PEP at 24 Oras si Ruffa sa Santuario de San Antonio, sa Forbes Park, Makati City, kung saan ginanap ang kasal nina Elvis at Alexa.

Nang kumustahin namin kung okey na ba sila ng ina, nakangiting sagot ni Ruffa, “Hindi, wala, hindi kami nag-uusap.

“Pero ano lang, sinabi lang niya… nagpahiram naman siya ng mga alahas.

“It means, she really loves me.

“Kung wala akong alahas, ibig sabihin, galit pa rin siya sa akin. 

“Nag-reach out siya. Thank you, at least, ‘di ba?”

Nagri-reach out din ba siya sa mommy niya?

Sagot ni Ruffa, “Oo naman, I always do naman and, I’m sure, lalambot din ang puso niya.

“It’s a happy celebration, di ba?” 

Kapag magkasama at nasa iisang lugar sila, nag-uusap ba silang mag-ina?

“Hindi, sinigaw lang niya na, ‘Paano mo nalaman na nandiyan na si Manny Pacquiao sa simbahan?!’
“Sabi ko, ‘A, it’s in Instagram.’

“Yun lang, tapos dedma na naman siya sa akin.

“But, I think, lumalambot na ang puso niya.”

Sa isang banda, hindi kasama ni Ruffa ang boyfriend na si Jourdan Mouyal sa kasal ng kapatid.

Hindi naman kaila sa marami na mahigpit na tinututulan ni Annabelle ang relasyon ni Ruffa kay Jordan, at siyang dahilan ng alitan ng mag-ina.

Sabi na lang ni Ruffa tungkol sa hindi pagdalo ng boyfriend, “Wala, it’s a family affair.”

NEXT GUTIERREZ WEDDING. Bilang isa sa maid of honor sa kasal, nakikita naman sa Instagram posts ni Ruffa ang excitement niya.

Saad niya, “Well, you know, I’m the Maid of Honor and, aside from that, after my wedding noong 2003, ito na talaga ang next big wedding in the family. 

“So, hindi natin alam kung may susunod next year or two years from now.”

Posible kayang siya na ang sumunod muli kay Elvis?

“Ay, puwede bang iba naman ang mauna? 

“Baka naman si Kuya Monching [Gutierrez] or si Janine [Gutierrez]! We’ll never know.

“Pero ako, hindi pa!” natawa niyang sabi. -- For the full story, visit PEP.