ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Zsa Zsa Padilla reveals leaving Dolphy's house, moving in with boyfriend


 
Inamin ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla na nagsasama na sila ng kanyang boyfriend na si Conrad Onglao sa bahay ng arkitekto.
 
Naibahagi ito ni Zsa Zsa sa press launch ng kanyang album na Beginnings kahapon, June 30, sa Victorino’s Restaurant, Jamboree St., Quezon City.
 
Ngunit nilinaw ng Kapamilya singer-actress na hindi for sale ang Marina property nila ng kanyang yumaong partner—ang King of Comedy na si Dolphy.
 
Dito pa rin daw nakatira ang mga anak nilang sina Zia at Nicole Quizon.
 
Matatandaang naibalitang nagbebenta ang Quizon family ng properties na iniwan ni Dolphy, ngunit hindi kasama ang bahay nito sa Marina, sa Parañaque City.
 
Sabi ni Zsa Zsa, “’Yung Marina [property] kasi was never for sale.
 
“By God’s grace, kaya pa naman naming patakbuhin."
 
Dagdag niya, “But right now, I actually live with my boyfriend in San Lorenzo [in Makati City].
 
"Pero ako pa rin yung nagpapatakbo [ng Marina house]."
 
Ayon kay Zsa Zsa, sa pag-alis niya sa Marina ay parang nabigyan niya ng independence ang kanyang mga anak.
 
“At least they feel their independence, at least they’re able to design it the way they wanted to.
 
“Zia was able to fix [it] the way she wanted to, and kasi they’re all grown up na naman.
 
“But eventually, of course, I would want for all of us to have our own place na rin.” —JST, GMA News
 
Not selling properties
 
Ibinahagi rin ni Zsa Zsa na hindi niya ibinebenta ang mga ari-arian na ipinamana ni Dolphy sa kanila ng mga anak niya.
 
“Yung Batangas property na nabalita... actually, maraming lupa si Dolphy in Batangas, malapit siya sa Lian, in San Diego.
 
“Yung property that belongs to the estate, ibinebenta yun.
 
“Pero yung ibinigay niya sa aming lupa overlooking the ocean, hindi namin siya ibinebenta.
 
“So, actually, I have not sold any of the properties that was given to us."
 
Subalit inamin ni Zsa Zsa na may mga pagkakataong naiisip niya na ring ibenta ang ibang properties na iniwan sa kanya ng Comedy King.
 
“The Baguio [property] also is not for sale.
 
“Hindi pa naman kasi... sometimes we’re taking off also, kasi it belongs to Zia, Nicole, and myself.
 
“So sometimes, we’re thinking, puwede naming ibenta.
 
"It’s a good price, a start-off for a capital for a business." —PEP