ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Charee Pineda to put showbiz on hold
By GLENN REGONDOLA, PEP

Handa na namang talikuran pansamantala ni Charee Pineda ang showbiz kapag nag-file na siya ng candidacy ngayong October para sa May 2016 elections.
Si Charee ay kasalukuyang councilor ng Valenzuela City, at hindi niya inililihim ang kanyang aspirasyon na tumakbo para sa pangalawang termino.
Sabi ng Kapuso actress,"Magra-run po ako ng second term, first term ko pa lang ngayon as councilor.
"Yes, iiwanan ko muna ang showbiz, pero hindi pa naman ngayon.
"Bale sa October pa ang filing namin, pero nakapag-usap na rin kami ng Artist Center.
"Ibinigay ko na sa kanila yung dates na hindi na ako puwedeng lumabas sa TV, para 'di magkaroon ng conflicts sa shows na gagawin ko dito.
"Isi-send ko na rin lang sa kanila yung formal letter."
Dagdag pa ni Charee, "Mami-miss ko talaga ang showzbiz, kung kaya hangga't puwede pa ako, tinatanggap namin ang puwede kong gawing proyekto."
Maging ang nakaplano niyang kumuha ng Law ay maisasantabi na rin muna niya.
"Yung Law? Gusto ko pa ring subukan, para wala akong regrets.
"Siguro, kapag medyo maluwag na ang oras ko, yung makakapag-focus ako dun, siguro itutuloy ko pa rin.
"Gusto ko kasi, 'pag sinubukan ko, yung talagang sure na ako.
"Naging busy rin ako kasi, katatapos ko lang asikasuhin yung scholars namin.
"Ngayon, medyo pahinga kami, kasi pumapasok na sila sa school."
HAPPY FOR ALLEN. Samantala, sobrang tuwa raw ni Charee na nagkasama sila ni Allen Dizon sa episode ng Wish Ko Lang dahil naudlot ang team-up nila noon sa indie movie na Kamkam.
Kung matatandaan, nag-backout si Charee sa Kamkam, at napunta kay Jackie Rice ang kanyang papel bilang isa sa mga naging asawa ni Allen.
Sabi ni Charee, "Oo nga. Sabi ko nga, 'Kuya Allen, buti nagkasama ulit tayo.'
"Masaya, nakapag-usap na kami, nakapagkuwentuhan nang mahaba-haba.
"Kasi noon pa, kakilala ko na siya.
"Noong kami pa at buhay pa si Tyron Perez, nagkikita kapag dumadalaw ako sa set ng Twilight Dancers.
"Sobrang happy ako for Kuya Allen, at sobrang deserved niya yung mga nangyayari sa kanya ngayon. -- For the full story, visit PEP.
Tags: chareepineda
More Videos
Most Popular