ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Ervic Vijandre reveals new Australian flame


 
“Kinda!”
 
Ito ang natawang sagot ng Kapuso actor na si Ervic Vijandre nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lovelife niya at nang sabihin namin sa kanyang mukhang in-love siya ngayon.
 
Nakikita namin sa posts niya sa Instagram na may kasama siyang babae na nagngangalang Juliane Tran, at ilan sa mga kaibigan niya ang tila tinutukso sila.
 
Sabi naman ni Ervic, “Hindi pa official pero... paano ko ba sasabihin yun?
 
"Kasi long-distance, pero pupuntahan ko siya next month."
 
Vietnamese daw ang bago niyang inspirasyon, pero ipinanganak at lumaki raw ito sa Australia.
 
Nakilala niya raw si Juliane nang magbakasyon ito sa Pilipinas.
 
Parang love-at-first-sight yata ang nangyari kay Ervic, dahil nakita lang niya si Juliane kasama ang mga kaibigan nito.
 
Kuwento pa ni Ervic, “Na-meet ko siya rito sa Manila.
 
"For three days, nandito siya sa Manila and noon na-meet ko siya, tinour ko siya sa Manila kasama ang friends niya.
 
“Tapos pupunta sila sa Palawan at ang last stop nila, Boracay, doon ako sumunod. Sinundan ko siya sa Boracay.”
 
Kung sakali raw, ito ang long-distance relationship niya na matagal talaga bago sila magkikita.
 
“Dati kasi nagkaroon na rin ako ng relationship, Filipina siya, pero umuuwi siya every month.
 
"Ito naman, talagang wala siyang relatives dito.
 
“If she’s gonna be here, for vacation lang talaga or to see me.
 
“Actually, kababalik lang din niya dahil noong June 2, birthday niya, dito siya nag-celebrate.
 
"Kakabalik pa lang din niya sa Australia two weeks ago.
 
“Ngayong July, ako naman ang pupunta sa kanya.”
 
Nakita rin namin sa Instagram account ni Ervic na magkasama sila ni Juliane na pumunta sa Cambodia. —PEP