ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bianca King admits split with Julio Villafuerte was her most painful breakup




Sa apat na naging relasyon ni Bianca King na hayag sa publiko, inamin nitong ang breakup kay Julio Villafuerte ang pinakamasakit.

Bukod kay Julio, ang mga naging nobyo ni Bianca ay sina Patrick Garcia, Champ Lui-Pio, at Dennis Trillo.
Paunang sabi ni Bianca, “Lahat masakit. Actually, yung kay Julio yung pinakamasakit, because I loved him the most.

“Pero mas hindi halata kasi dalaga na ako,” sabay pakawala ng malutong na halakhak.

Dagdag pa nito, “Marunong na akong magdala.”

Matatandaang sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) unang inamin ng Kapatid star na hiwalay na sila ng non-showbiz boyfriend nitong si Julio matapos ang apat na taong relasyon.
Sabi pa niya, “The timing is not right.”

Nakausap ng PEP at ilang media si Bianca sa launching ng Samsung NX500 camera kasabay ng exhibit ng mga larawang kuha ng magaling na photographer na si Xander Angeles gamit ang naturang gadget.

Isa ang larawan ni Bianca na makikita sa exhibit na may pamagat na Relentless, Forward, Progress na ginanap sa SM Aura Atrium, The Fort, Taguig, kagabi, July 10.

“PRUNING MYSELF AGAIN.” Naka-move on na ba siya sa hiwalayan nila ni Julio? Nakangiting sabi ng 29-year-old TV host-actress, “Oo naman.”

Kahit naman daw nakaramdam siya ng sakit sa damdamin, kaya na raw niya itong dalhin ngayong  magti-trenya anyos na siya.

Saad niya, “Meron, meron. Of course, of course pero I think I’m mature enough to handle it and think the good.

“Siyempre for every heartaches that you go through, ‘di ba? May mga mapupulot ka na mga lessons kung paano mo mapapaganda yung buhay mo at maisip mo kung ano yung mga pagkakamali mo.

“And ako naman, sa dinami-dami na ng heartbreak na pinagdaanan ko sa buhay ko, isa ‘to sa pinaka-fruitful. Kasi nangyari siya sa buhay ko na magti-thirty na ako. E, so it’s more like ano, 'pruning' myself again, ‘di ba?

“Like, if I were a plant, just pruning myself to become even better.” -- PEP.ph
Tags: biancaking