ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Julia Barretto hurt by father Dennis Padilla's latest pronouncements about name change issue
By MELBA R. LLANERA, PEP
Hindi itinago ni Julia Barretto na nasaktan siya sa patuloy na pagpapa-interview ng kanyang ama na si Dennis Padilla tungkol sa kanilang isyu.
Muli kasing nabuhay ang isyu sa pagitan nila nang sabihin ni Dennis na hindi pa rin inuurong ni Julia ang petisyon nitong tanggalin sa kanyang pangalan ang apelyidong Baldivia, na siyang tunay na apelyido ng character actor.
Ito ay sa kabila ng pahayag ni Julia noon na iwi-withdraw na niya ang petisyong ito.
Hindi man nag-elaborate tungkol sa inihain niyang petition, pero sinabi ni Julia na may ginawa siya taliwas sa iniisip ng kanyang ama.
“May ginawa naman ako about it, sa totoo lang nag-stick talaga ako sa word ko.
“Pero hindi kasi ako mahilig mag-spill ng mga problemang pamilya kasi hindi tama na ibinu-broadcast.
“Ang sa akin lang, there’s so much more to the story.
"Alam naman natin yung sinasabi nila na there are always two sides to every story.
“Ako, pinipilit ko talaga personally not to speak about the issue kasi usapang pampamilya, e.
“Pag usapang pamilya, hindi dapat ‘yan binu-broadcast sa publiko para mapag-usapan.
“Dapat kung aayusin, dapat sa amin na lang, ‘di ba?
“Ano naman kasi ang maitutulong at maidudulot yung pagse-share pa sa publiko?"
Dagdag ni Julia, “Love ko yung Papa ko, pero bilang anak, nasaktan din ako.
"Parang feeling ko, yung father dapat last na magsasalita.
“Third time na rin, hindi ko na alam kung paano ako magre-react kasi pangatlo na ring beses.
“Naiintindihan ko, pero masakit para sa isang anak.”
Gusto ba niyang makausap nang personal ang kanyang ama?
Agad naman na tumango si Julia at sinabing, “Magkausap? Oo naman, tatay ko yun, we’ll get there.”
Nang tanungin naman namin si Julia tungkol sa ina niyang si Marjorie Barretto, ipinahayag nito ang kanyang labis na pagmamahal dito.
“She’s always just there for me, she’s always giving motherly advice.
“Pero ang hangang-hanga ako sa kanya, talagang hinahayaan niya akong mapagdaanan yung proseso.
“Masaktan, matuwa, and help myself to be stronger from all of these.
“She’s always there for me.
"Para siyang rock ko, siya talaga ang pinagkukuhanan ko ng strength ko." —PEP
Tags: juliabarretto, dennispadilla
More Videos
Most Popular
