ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marvin Agustin, handang tulungan ang 'kapatid' na si Jiro Manio


Tulad ng Concert Comedy Queen na si AiAi delas Alas, handa raw ang aktor at negosyante na si Marvin Agustin na tulungan ang dating child star na si Jiro Manio para makabangon sa kasalukuyan nitong sitwasyon.

Kuwento ni Marvin, nalungkot siya nang una niyang makita sa social media ang kalagayan ni Jiro, na nakitang palaboy-laboy sa isang airport terminal at umaasa sa tulong ng mga tao roon.

Basahin: Pagtulong kay Jiro Manio, tinupad ni AiAi; dating aktor, mabuti umano ang kalagayan

Patuloy ng aktor, kaagad daw siyang nakipag-ugnayan kay AiAi na tinatawag niyang Mama Ai.

"Hindi na ako sumagot sa mga threads. Tinawagan ko na agad, 'Mama Ai, anong tulong ang magagawa natin?'

“E, she was on top of things naman when I talked to her.

"Sabi ko, 'Sige, Ma, nandito lang ako. Kahit ano, sabihan mo lang ako. Anak mo ‘yan, kapatid ko ‘yan.'

"Inosenteng-inosente nung kasama namin, e. Yun ang memory naming lahat, e.

"So, for someone to go through something like this, kakailanganin ang tulong ng maraming tao.

Gumanap na magkapatid sina Marvin at Jiro bilang anak ni AiAi sa pelikulang Ang Tanging Ina.

Sa panayam ng Startalk nitong Sabado, July 11, sinabi ni AiAi na nag-alok ng tulong si Marvin na bibigyan ng trabaho si Jiro kapag bumuti na ang kalagayan nito.
 
Sinabi ni AiAi na nasa mabuting kalagayan ngayon si Jiro, na nasa isang "wellness" center para magpagaling.
 
Kapag nakalabas, sinabi ni AiAi na puwedeng pumasok sa ibang trabaho si Jiro dahil sa ngayon ay tila ayaw pa raw ng dating aktor na bumalik sa pag-aartista.

Pero ayon kay Marvin na kay Jiro pa rin ang desisyon kung tatanggapin nito ang tulong.

“Sa lahat ng bagay, mahirap masyadong magprisinta ako, i-push natin yung mga bagay na gusto nating mangyari sa isang tao.

"Maganda na hintayin natin yung tao mismo ang maka-realize ng mga gusto niya talagang gawin.  

“Siguro ako pa ang gagabay sa kanya basta handang-handa siya.

"Kung hindi pa siya handa, siguro yun ang dapat pag-focus-an ngayon, yung pagiging handa niya sa mga gusto niyang gawin." -- For the full story, visit PEP.