ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Because of problematic experience: Jolina hesitant to work with Claudine again
By ARNIEL C. SERATO, PEP
Inamin ni Jolina Magdangal na nagkaroon siya ng hesitation na makasama muli sa isang proyekto si Claudine Barretto.
Hindi kasi naging maganda ang kinahinatnan ng huling pagtatrabaho nila sa dating teleserye ng GMA Network na Iglot noong 2011.
Tumagal lamang ng halos tatlong buwan sa ere ang nasabing palabas.
Saad ni Jolina, “Naputol yung show namin.
“Parang nagkaroon ako ng hesitation to work with her, kasi baka may problema siya or noong nagkaroon siya ng problema, parang natapos agad yung show.”
Ano ang epekto sa kanya ng pagkansela ng show nila ni Claudine sa GMA?
“Hindi kasi ako sanay nung ganoon, e,” buntung-hininga ni Jolina.
Kuwento pa niya, “Ikakasal ako noong time na yun. So, ang dami-dami kong iniisip.
“Ang thinking ko, professional tayong lahat. Anuman ang problema natin, meron tayong trabaho.
“E, pero parang naano ako…” —PEP
Tags: jolinamagdangal, claudinebarretto
More Videos
Most Popular
