ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Veteran actor Pocholo Montes passes away




(Photo: Franz Josef Montes's Facebook)

Pumanaw na ang beteranong aktor na si Pocholo Montes dahil sa sakit na chronic obstructive pulmonary disease (COPD).

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Huwebes, sinabing ilang linggo ring na-confine sa ospital si Pocholo dahil sa naturang sakit at ibang kumplikasyon tulad ng “infection” at “pneumonia.”

Base sa Facebook post ng anak ni Pocholo na si Franz Josef Montes, binawian ng buhay ang kaniyang ama nitong Miyerkules, July 15,

Saad ni Franz sa post, “I would like to thank everyone and ask again for prayers for the soul of my Papa. He is now with God in heaven!”

Isinagawa ang cremation ceremony para kay Pocholo ngayong Huwebes, July 16, habang ang interment ay nakatakda sa July 23.

Taong 1989 nang magsimulang gumawa ng pelikula si Pocholo tulad ng Hot Summer, Babangon Ako't Dudurugin Kita, at Orapronobis.

Ang Layong Bilanggo ang naging huling pelikula niya noong 2010.

Nakagawa rin siya ng mga proyekto sa telebisyon tulad ng Marimar at  Daisy Siete, at mga commercial kabilang na ang isang fastfood chain.

Nitong nakaraang linggo, magkasunod ding pumanaw ang young actress na si Julia Buencamino at ang batikang aktres na si Lucita Soriano.

Sinasabing suicide ang dahilan ng pagpanaw ni Julia, anak ng mga aktor na sina Nonie at Shamaine Buencamino.

Sa ospital naman binawian ng buhay si Lucita dahil sa karamdaman. -- FRJ, GMA News