ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Magnifico' director speaks up about Jiro Manio's plight


 
Lumuwag ang loob ng award-winning director at talent manager na si Maryo J. de los Reyes nang malamang may mga taong tumutulong sa dati niyang alaga na si Jiro Manio para maisaayos ang buhay nito, matapos ang balitang nagpagala-gala ito sa airport.
 
Pahayag ni Direk Maryo, “Kay Jiro, gusto ko siyang maayos nang husto.
 
“Kaya lang, para sa akin, hindi ko kayang mag-isa.
 
“There has to be a concerted efforts from other friends who are there already, like nandiyan sina Ai-Ai [delas Alas], nandiyan sila Marvin [Agustin].
 
“Siguro dapat mag-meeting together with the family.
 
“Kasi sinubukan ko na siyang ipasok noon sa rehab, di ba?
 
“Kami nina Yul [Servo], Isko [Moreno] ang sumuporta ng isang taon niya sa rehab.
 
“Tapos ang nabalitaan ko, noong natapos ang kontrata namin sa kanya sa Production 56 [talent company ni Direk Maryo], sumama siya sa kanyang family.
 
“Tapos nabalitaan ko, pumasok ulit siya sa rehab supported by the girlfriend.
 
“Tapos ngayon, eto na yung nangyari ngayon.”
 
Ayon kay Direk Maryo, hindi si Jiro ang unang talent niya na nakaranas ng ganito. Kaya naiintindihan niya ang nangyayari sa aktor.
 
“Based on my experience sa dati kong mga talents, tulad ni Daniel Figueroa, hindi ba, experience ko iyan.
 
“Nagkakaroon sila ng chemical imbalance tapos kailangan mayroon ng maintenance.
 
“Kunwari may high blood ka, kailangan mayroon ka ng maintenance.
 
“Pag hindi mo natuloy iyang maintenance mo, magkakaroon ka ng imbalance.”
 
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Direk Maryo sa press launch ng 1st TOFARM Film Festival, kung saan tumatayo siyang film festival director at adviser.
 
Ginanap ang launch nitong Huwebes, Hulyo 16, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
 
Nakasama ni Direk Maryo sa pagpapaliwanag sa mga press ang organizers ng film festival sa pangunguna nina Universal Harvester Inc. executive vice president Dr. Milagros How at TOFARM program director Rommel Cunanan. —PEP