ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Asawa ni Angelu de Leon, hindi kaya nagseselos kay Bobby Andrews?




Pagkatapos ng halos dalawang dekada, masaya si Angelu de Leon na hanggang ngayon ay sila pa rin ni Bobby Andrews ang naiisip na pagsamahin at gawing magkapareha sa mga teleserye ng GMA Network.

Sa bagong afternoon series na Buena Familia, na magsisimula nang mapanood sa July 27, ay gaganap bilang mag-asawa sina Angelu at Bobby sa kauna-unahang pagkakataon.

Sabi nga ni Angelu, “Nakakatuwa lang kasi this is the first time na yung show, mag-asawa na kami. 

"Kasi sa Teen Gen, hindi kami mag-asawa. Ang ending lang, ikinasal kami."

Itinuturing na isa sa pinakasikat na loveteams noong mid hanggang late '90s ang kina Angelu at Bobby, na nagsimula sa youth-oriented series na  T.G.I.S.

Kahit nagkahiwalay man sila ng landas, pareho pa rin silang aktibo sa showbiz hanggang ngayon. Patunay na kahit papaano ay napanatili nila ang kanilang kasikatan.

Pahayag ni Angelu tungkol dito, “Masaya, pero parang hindi naman kasi kami ang nagpatunay nun. 

"Ang nagpatunay nun is the fans that still want to see us. Parang nakakatuwa lang isipin.

“We don’t want to claim it kasi, kung tutuusin, it’s a group effort.

"T.G.I.S. will never be a T.G.I.S. and as big as that kung wala sina Rica [Peralejo], wala si Red [Sternberg]...

"It wouldn’t be T.G.I.S., di ba?"

Nakapanayam ng PEP si Angelu sa press conference ng Buena Familia nitong Lunes ng gabi, July 20, sa 17th floor ng GMA Network Center.

MORE COMFORTABLE WITH BOBBY. Parehong mas kumportable raw ang mga asawa nina Angelu at Bobby na sina Wowie Rivera at Bienne Co, respectively, kapag silang dalawa ang magkatambal.

Tinanong kasi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelu kung hindi ba nakakaramdam ng selos si Wowie kapag sila ang magkapareha ni Bobby sa serye.

Sagot dito ng Kapuso actress, “I guess, kami ni Wowie, kapag napag-uusapan namin, kapag si Bobby nga, okey sa kanya. 

"Parang kasi, it’s a given. Noong dumating siya sa buhay ko, may Bobby na. Parang ganun."

Kung yung ex-boyfriends ni Angelu ang makakapareha niyang muli, okey pa rin ba sa kanyang mister?

“Yun, hindi! Totoo, hindi!” natawang pag-amin niya.

“Basta kay Bob nga, okey sa kanya. Even kissing scene. 

"Parang 'O, si Bob 'yan,' parang ganun.

"Parang kung iba, hindi. Weird, ‘no?”

Naniniwala si Angelu na malaking bagay na hindi sila nagkatuluyan ni Bobby.

“Kasi siguro nga, kung nagkatuluyan kami, 20 years after siguro, hindi kami okey sa isa’t isa. 

"It could be a bad breakup. 

"Even our respective partners, maiilang na.

"Kasi, may pinanggalingan. May mas malalim na emosyon na kasama.

"Pero dahil wala, siguro nga, yung what ifs namin, yun ang ayaw naming mangyari." -- For the full story, visit PEP.