ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Sheena Halili admits crush on Marian Rivera
By ROMMEL GONZALES, PEP

Babaeng-babae si Sheena Halili pero may crush daw siyang babae.
Ito ay walang iba kundi ang kaibigan niyang si Marian Rivera.
“Nagagandahan ako sa kanya.
"Si Yanyan, kahit ilang beses ko na siyang nakasama, ang ganda-ganda!
“‘Di ba, yung mula ulo hanggang paa, gusto mong tapakan, gusto mong sugatan!” natatawang biro pa ni Sheena.
Hindi rin daw kaya ni Sheena ang makipag-kissing scene sa kapwa niya artistang babae.
“Ay, bawal yun, hindi ko kaya!
"Ayoko magsalita nang tapos, pero hindi talaga, hindi ko kaya.
“Pero wala pong masamang ibig sabihin yun, may kanya-kanya lang po tayong karapatan.
"Tulad ng pag-respect ko sa kanila, ganun din po sana sa akin.
“Magpagupit na lang tayo!”
Si Chynna Ortaleza kasi na kasama niya sa The Rich Man’s Daughter ay nagpagupit ng buhok para sa lesbian role nito.
LESBIAN ADMIRERS. Dahil sa teleserye nila ay dumami raw ang admirers na lesbian ni Glaiza de Castro, na gumaganap bilang Althea.
Ganito rin ba ang nangyari kay Sheena?
“Wala,” sagot ng StarStruck alumna.
Pero noon daw ay naligawan na siya ng tomboy.
“May isang nagkagusto sa akin na tiboms noon.”
Pero hindi na raw umabot sa panliligaw kay Sheena ang naturang lesbian, “No, ayoko!”
Paano niya nalaman na may gusto ito sa kanya?
“Sinabi niya, siyempre ang ligaw, magpapaalam muna, ‘di ba?
"So, hindi na umabot sa ligaw. May gusto lang siya."
Nasa high school pa lang daw si Sheena noon. Paano nagpaalam sa kanya na manliligaw sana ito?
“Nag-hi, ‘tapos tumawag sa bahay, wala pang cellphone, ganyan, landline pa.
“Tapos nakikipagkaibigan, kiyeme-kiyeme, e, malay ko bang…”
Niregaluhan ba siya?
“Hindi umabot sa ganun, pinigilan ko na dun…
"Parang sinabi niya nga na ina-admire niya ako, parang ganun yata.
“Nagulat ako! ‘Ay, hindi puwede. Bye!’"
Taga-ibang eskuwelahan daw ito at nagulat nga si Sheena kung paano nalaman nito ang landline number niya.
“Hindi naman all-girls yung sa akin, pero siya, parang galing sa all-girls [school]. Dun naman, di ba, madalas?”
So, ayaw niya sa tomboy?
“Hindi naman sa ayaw, e, lalaki talaga ang gusto ko, e, ‘di ba?” -- For the full story, visit PEP.
Tags: sheenahalili
More Videos
Most Popular