ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Jeric Gonzales junks gay benefactor rumors
By ROMMEL GONZALES, PEP
Hiningan namin ng paglilinaw ang young Kapuso male star na si Jeric Gonzales tungkol sa kumakalat na balitang may gay benefactor siya.
Ang naturang gay guy diumano ay galante at kung saan-saang lugar ibinibiyahe si Jeric.
“Talaga? Sino po yan?" tanong ni Jeric siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng music video na Pwede Ba? nitong nakaraang Martes, July 21 sa GMA Network Center.
“Hindi po, kasi ano, talagang ano ako sa mga fans na gusto akong makita, yung mga ganun," dagdag niya.
“Na 'pag nag-request, tapos parang gusto akong makita, ‘Dinner tayo!’
“Okay lang naman po sa akin yung ganun.
“So parang ano, friends lang po,” panimulang pahayag ni Jeric.
NO MALICE. Wala raw malisya kay Jeric ang pakikipag-“meet and greet” niya sa mga tagahanga niyang bading.
At hindi naman din daw siya nakikipagkita na dalawa lang sila.
“Hindi po, may kasama rin ako, may kasama rin siya. Usually po kasama ko ang family ko, parents, ganyan.”
Kilala raw niya ang mga nakakasalamuha niya at hindi naman random strangers ang sinasamahan niya.
“Kilala ko na, pinapakilala nung fans, nung mismong group [of fans] ko talaga,” dagdag pa ni Jeric.
ACCOMMODATING TO FANS. Ibinabalik lang raw niya ang kabutihan sa kanya ng mga fans niya sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan sa mga ito.
Dalawang beses na raw niya itong ginawa, na makipagkita sa fans niya na bading.
“Minsan hindi naman bading, may babae din,” pagklaro pa ni Jeric.
Hindi ba siya natatakot na matsismis na may gay benefactor siya?
Naiintriga na nga siya dahil may mga nakakakita daw sa kanila ng diumano'y gay benefactor.
"Hindi naman po," sagot ni Jeric.
Ganun lang daw niya ina-appreciate ang mga tagahanga niya at never daw siyang sumama sa isang gay fan na mag-isa lang siya.
“Ah, never. 'Tsaka yung ano, dinner lang talaga, yung ganun, kasama parents ko,” muli niyang paglinaw. -- For the full story, visit PEP.
Tags: jericgonzales
More Videos
Most Popular