ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Gabby Eigenmann thankful despite ending of his two shows
By Rose Garcia, PEP

Sa August 21, Biyernes, na ang finale episode ng GMA primetime series na Pari ‘Koy, kunsaan kabilang sa cast ang award-winning actor na si Gabby Eigenmann.
Bago ito ay nauna nang namaalam sa ere ang weekly TV series niyang InstaDad noong July 5.
Hindi naman ikinaila ni Gabby na sobra siyang nalungkot nang magwakas ang InstaDad, kung saan nakasama niya ang teen stars na sina Gabbi Garcia, Jazz Ocampo, at Ashley Ortega.
“Sabi nga, at the end of the day, all good things must come to an end, ‘di ba?
“Expected naman natin yun, magsisimula ka, mag-e-end ka rin.
“Ang nakakalungkot lang talaga, naging close ako sa mga bagets.
“Storycon pa lang, bago kami mag-first day taping, gumawa ako ng sarili naming Viber group.
“Kaya lagi kaming looking forward tuwing may taping.”
HOPEFUL. Nilinaw naman ni Gabby na hindi sila na-cut short sa InstaDad, tinapos lang daw ang first season, on short notice nga lang.
“We were all hoping na may season two, the later part kasi, yung rating was doing good.
“Up to this day, umaasa ako na may season two.
"Maaaring tinatapos lang ang mga existing [shows], pero wala pang nagsasabi.
“Parang feeling ko kasi, may pinanghahawakan pa kami na meron pa.
“So, whether ibalik o hindi, siyempre habang tumatagal, unti-unti mong natatanggap.”
Dahil halos sabay na umere ang InstaDad at ang Pari ‘Koy, hindi malayo ang pagkawala sa ere ng dalawang shows.
Nagkataong na-extend ang Pari ‘Koy ng halos dalawang buwan.
HEALTHY WORRIER. Sa ngayon, bakante muna si Gabby sa pagkakaroon ng regular show.
“Sabi nga nila, I’m a worrier.
"Tinray kong baguhin yun, I’m worried in a healthy way.
“Nabigyan ako ng dalawang soap ng taong ito.
“January pa lang, nabigyan ako ng Once Upon A Kiss, nalipat ako ng Pari ‘Koy, at nabigyan ako ng isa pa.
“So, what’s next? Siyempre nandoon tayo na baka 2016 na ang kasunod... healthy worry.
“At the end of the day, thankful ako kasi nakapag-ipon ako.
“At least, for the rainy days, meron ako.”
Dagdag pa ni Gabby, palagi naman niyang nararamdamang hindi siya pinababayaan ng Kapuso network.
RESTAURATEUR. Sa isang banda, pinasok na rin ni Gabby ang pagnenegosyo.
Nauna na nga rito ang Reluxe Spa na matatagpuan sa Luxent Hotel.
Ngayon ay may bago siyang restaurant kunsaan ka-partner niya bilang may-ari ang manager niyang si Perry Lansigan, ang pinsan na si Geoff Eigenmann, at iba pang kaibigan.
Ang pangalan daw ng restaurant nila ay Stock Pile na matatagpuan sa bagong bukas na Sapphire Bloc ng Ortigas.
Ngayong September daw ang kanilang soft opening. -- For the full story, visit PEP.
Tags: gabbyeigenmann
More Videos
Most Popular