ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vic Sotto on cable interruption during Aldub KalyeSerye: 'Walang kayang humarang sa dalawang yun'


Maging si Vic Sotto ay hindi maipaliwanag kung ano ang sikreto ng tagumpay ng AlDub, ang tambalan nina Alden Richards at Yaya Dub (a.k.a. Maine Mendoza) na bumibida sa kinagigiliwang KalyeSerye ng Eat Bulaga.

Sabi ng comedian-TV host, “It’s so hard to explain.

"Mahirap i-explain kaya nga inimbento ang word na phenomenal, phenomenon, ‘no?

“So, right now, I really don’t have an explanation.

"Basta alam ko, right now, nag-e-enjoy ako.

“Personally, I’m enjoying it, nag-e-enjoy ang napakaraming manonood, so let’s just enjoy it.

“Mahirap nang mag-a-analyze tayo.

"Basta araw-araw tayong manood, araw-araw nating sundan kung ano’ng mangyaring kasunod [sa AlDub]."
 
Bukod sa AlDub, binanggit din ni Vic ang "Juan For All, All For Juan" segment hosts na sina Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Jose Manalo na malaking bahagi ng tagumpay ng KalyeSerye.

“Congratulations kay AlDub at my special congratulations dun sa mga lola ko [Wally, Paolo, at Jose].

"Sila talaga ang mga nagdadala ng tagumpay at katatawanan para sa ating mga Dabarkads."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vic sa launching niya bilang endorser ng CitiGlobal Realty & Development, Inc., nitong Miyerkules, September 2.

Samantala tinanong din ng PEP si Vic kung ano ang masasabi niya sa pagpa-file ng complaint ng GMA Network laban sa SkyCable.

Ito ay may kinalaman sa reklamo ng maraming viewers dahil sa “service interruptions” kapag oras na ng KalyeSerye, partikular nitong July hanggang August.

Nitong August, isinumite ng GMA ang reklamo sa National Telecommunications Commission (NTC), na siyang kumukontrol sa ahensiya at kumpanyang nagbibigay ng serbisyong pang-telekomunikasyon sa bansa.

Ani Vic, “Wala. Walang kayang humarang sa dalawang ‘yon [AlDub].

“Kahit anong disturbance or whatever, kung nawawala naman yung sound, puwede naman panoorin ulit.

“Kaya nga tayo may YouTube.

"Kung medyo na-miss mo ng konti, sa gabi bago ka matulog, panoorin mo yung episode." -- For the full story, visit PEP.

Tags: aldub, skycable