ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
'Pagod na ako, e'

Dennis Padilla gives up legal battle with daughter Julia Barretto to retain his family name




(Photo: Borrowed from Julia Barretto's Instagram account)


Hindi sumipot si Julia Barretto nitong Biyernes ng umaga, September 18, sa hearing ng Petition to Change Name na isinumite niya sa sala ni Judge Manuel Sta. Cruz ng Branch 226 ng Quezon City Regional Trial Court.

Nais papalitan ni Julia ang kanyang apelyido mula Baldivia (tunay na apelyido ni Dennis) sa Barretto (na apelyido ng kanyang inang si Marjorie).

Ang abogado lang ng Kapamilya young actress ang dumalo para mag-represent sa kanya kanina
.
Ngayong araw dapat sisimulan ang pagdinig sa Motion to Intervene na isinumite ni Dennis, pero naiba ang takbo ng mga pangyayari.

Nagulat ang judge nang nagbigay ng Oral Manifestation si Dennis sa korte na wini-withdraw na niya ang Motion to Intervene na isinumite niya.

Pahayag ng komedyante nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ako na mismo ang nag-manifest sa judge.

“Sabi ko, ‘Ako na lang po ang mag-withdraw ng petition.’ Nagulat ang judge.

“Sabi ko, ‘Your honor, I’m giving the free hand to my daughter to use the family name she wants to use.’”

DENNIS FELT USED. Napagdesisyunan daw ito ni Dennis dahil naisip niyang wala na siyang magagawa kung gusto itong ituloy ni Julia.

Pagkatapos daw kasi ng debut party na dinaluhan niya noong Marso ay hindi na nakipag-communicate sa kanya ang anak.

Ayon kay Dennis, “Nag-try akong mag-reach out, e.

“Nagti-text ako and everything, wala namang reply.”

Sabi pa niya, “Pagod na ako, e.

“Sabi nga ng mama ko kagabi, ‘Dennis, i-withdraw mo na lang kasi nakakapagod na, e.

Isa sa mga araw na ito ay magsasalita pa raw si Dennis para ilabas ang mga sama ng loob nito kay Julia.

Nasa tamang pag-iisip na raw ang anak kaya nakakapagdesisyon na ito.

Naniniwala si Dennis na hindi na ito impluwensiya ng kanyang dating asawa at ina ni Julia na si Marjorie Barretto.

“Hindi naman na niya puwedeng sabihing, ‘Utos ito ng nanay ko.’

“Hindi na rin niya puwedeng gamitin yun.

“Siya na mismo ang puwedeng magsabi sa nanay niya na, ‘Ma, gusto kong gamitin ang apelyido ni Papa, huwag mo na akong kontrahin.’ Walang magagawa ang nanay.

“Kaya lang, siyempre iniisip ko rin na itong ginawa kong withdrawal, sa kanya rin hahampas ‘to.

“Kunwari winidraw ko, tapos sabihin niya na, ‘Oo, hindi ko na gamitin ang apelyido ng tatay ko,’ sa kanya na yun."

Kung hindi na raw makipag-usap sa kanya si Julia, wala na siyang magagawa.

Hindi na raw kikilos si Dennis para ipilit ang sarili sa anak. -- For the full story, visit PEP.