ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Dingdong Dantes says wife Marian Rivera will announce baby’s name on Sept. 26
By ROSE GARCIA, PEP

Hindi na maitago ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang pananabik nila sa pagdating ng kanilang panganay na anak, at tulad ng Kapuso Primetime King and Queen, hindi na rin makapaghintay ang kanilang mga tagahanga na masilayan ang tinawatag nilang si Little Maria.
Isa sa mga inaabangan ng karamihan ang magiging pangalan ng babaeng anak ng showbiz couple. Kailan kaya ito balak ianunsiyo ng dalawa?
Matatandaang nauna nang ipinaalam ni Marian sa kaniyang fans ang magiging pangalan ng kanilang panganay nang magdaos siya ng birthday mass nitong Agosto, ngunit walang naimbitahang miyembro ng press.
Nais raw ng Kapuso actress na si Dingdong ang magsabi ng buong pangalan ng kanilang magiging anak.
Ayon naman kay Dingdong, “Siya, siya na ang bahala. Gagawin niya ito sa kanyang baby shower. Antabayanan ko na lang din 'yun, although wala ako dun.”
Hindi raw makakadalo ang Starstruck host sa baby shower dahil nasa MOVE Awards siya para sa National Youth Commission, kung saan siya ang itinalaga ni Pangulong Noynoy Aquino na commissioner-at-large.
Sa September 26 daw gaganapin ang baby shower ni Marian.
Shopping
Shopping
Isa sa unang pinuntahan ni Dingdong sa Amerika, nang dumalo siya sa isang show ng Kapuso network doon, ay ang Babies "R" Us, kung saan maraming mabibiling mga kagamitan para sa sanggol.
Magaling na ba si Dingdong mamili ng baby dresses?
“Hindi. Wala lang, kung ano lang makita ko. Kung ano lang sa tingin kong maganda, kinuha ko. Wala akong kuwentang shopper!" natatawa niyang pag-amin.
Naniniwala si Dingdong na hindi lang ang nanay ang gumagawa ng ilang bagay sa pag-aalaga ng anak.
Isa na rito ang pagpapalit ng diaper.
Saad ni Dingdong, “Dapat, it should be that way. Hindi mo naman mapapantayan talaga ang siyam na buwan na pagdadala niya [ng nanay] sa bata. And the least that you can do, maging kapareho o higitan mo man lang yung chores kung kinakailangan.”
“Halimbawa siguro, 'yung pagpapalit ng lampin, paggising para pakainin. Although wala akong alam tungkol sa mga bagay na ‘to dahil first-timer ako. Pero 'yung mga bagay na ganito naman siguro, puwedeng aralin. Kapag nandiyan na talaga, wala nang dahilan para hindi ka ganahan, e.”
Saan pinaka-excited si Dingdong sa pagiging daddy?
Mabilis niyang sagot, “Lahat, lahat! Siguro, I will savor every moment.”
Magiging spoiler kaya siya?
More Videos
Most Popular