ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LJ Reyes bags her first int’l Best Actress award; says 10-minute sex scene worth it
By ARNIEL C. SERATO, PEP

Natanggap na ni LJ Reyes ang trophy at certificate para sa pagkapanalo niya bilang Best Actress sa 13th Pacific Meridian International Film Festival na ginanap sa Vladivostok, Russia, noong September 18.
Si LJ ang hinirang na Best Actress para sa pagganap niya sa pelikulang Anino Sa Likod Ng Buwan, kung saan nanalo ring Best Director si Jun Lana.
Bukod sa naturang major awards, nakatanggap din ng dalawang critic prizes ang pelikula—ang NETPAC Jury Best Asian Film at ang FIPRESCI International Critics' Prize.
Miyerkules ng tanghali, September 23, personal nang iniabot ni Direk Jun kay LJ ang kanyang Best Actress trophy at certificate.
Malaki man ang panghihinayang na hindi niya ito natanggap nang personal noong awards night, masayang-masaya pa rin ang StarStruck alumna na nagbunga ang kanyang pinaghirapan sa pelikula.
Kabilang na rito ang '10-minute uninterrupted love scene' nila ni Luis Alandy.
Saad ni LJ, “Kapag gumagawa ako ng eksena, I make sure na hindi ako 'yung nandoon.
"Tuwing magti-take kami, may hinga 'yun, hindi na talaga ako 'yung nasa eksena kundi 'yung karakter na na si Emma.
"Nawawala si LJ.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling miyembro ng media si LJ sa pocket presscon nila ni Direk Jun sa Pamana Restaurant, sa Quezon City, nitong Sept. 23.
One-shot film
Ang Anino Sa Likod Ng Buwan ay isang political thriller na kinunan lang sa isang location at isang camera.
Ang Anino Sa Likod Ng Buwan ay isang political thriller na kinunan lang sa isang location at isang camera.
Kaya walang mali dapat sa bawat eksenang gagawin. —PEP
For the full story, visit PEP.
Tags: ljreyes, aninosalikodngbuwan
More Videos
Most Popular