ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Why 'God Gave Me You' makes Alden Richards cry
Muling itinanong kay Alden Richards ang dahilan ng kanyang pag-iyak nang kantahin niya nang live sa Eat Bulaga! ang "God Gave Me You" noong September 26.
Maging noong i-record niya ang nasabing kanta para sa kanyang second album ay naging emotional din si Alden.
Ipinaliwanag ni Alden na mahalaga sa kanya ang “theme song” ng love team nila ni Maine Mendoza—na kilala rin bilang Yaya Dub sa Eat Bulaga! Kalyeserye—dahil sa meaningful message ng lyrics ng kanta na pinasikat ni American singer Bryan White.
Pinabulaanan din ni Alden ang maling akala ng iba na "acting" lamang ang kanyang pag-iyak noon.
Saad niya, “That song, 'God Gave Me You,' is very emotional. Yung song na yun means a lot to me, kagaya ng nasabi ko sa previous interviews ko."
“I was overwhelmed with emotions when I was singing that song. Marami ngang nagsasabi na acting daw yun. Well, it’s the opinion of others and I have to honor them. But in my heart, I know that it was true emotions kasi na-realize ko yung mga dumarating na blessings."
“Hindi ko inaasahan na ganito ako magiging ka-blessed. And naisip ko yung family ko, yung supporters, and most especially yung mom ko na naaalala ko that time."
“When I recorded that song in my album, I was crying while recording it. I don’t know why."
Paliwanag pa niya, “So, talagang yung song na iyon means a lot to me."
“If you listen to the song, the lyrics, ang ganda ng song to dedicate to someone, to somebody. And that was the emotion I was feeling that time.” — For the full story, visit PEP
More Videos
Most Popular