ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Kris Bernal gets starstruck in front of Superstar Nora Aunor
By Ruel J Mendoza, PEP

Kahit inabot ng siyam na buwan bago magbida ulit ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa isang teleserye, sulit daw ang paghihintay niya dahil bigatin ang kanyang co-stars sa bagong GMA teleserye na Little Nanay.
Kasama sa cast ang Superstar na si Nora Aunor at ang veteran actor-director na si Eddie Garcia.
Inamin ni Kris na na-starstruck siya kay Nora nang magkaroon sila ng story conference at pictorial para sa kanilang teleserye.
Sabi ni Kris sa panayam sa kanya ng news program na Balitanghali noong October 13, “Oo naman! Sino naman ang hindi mai-starstruck, e, Superstar ‘yan?
"Si Ms. Nora Aunor ‘yan at makakasama ko siya sa isang teleserye.
“Talagang hindi ko pinalagpas na magpa-selfie sa kanya!”
Sinabi rin ni Kris na pinagdasal niyang mabigyan siya ng teleserye na matsa-challenge siya at makakasama niya ang mga mahuhusay na artista.
Huling napanood si Kris sa primetime teleserye na Hiram Na Alaala noong 2014.
Sabi niya, “Natutuwa lang ako kasi kahit na matagal ako naghintay for a new teleserye, heto at ang ganda naman ng role na ibinigay sa akin sa Little Nanay.
“Tapos hindi lang si Ms. Nora Aunor ang kasama ko kundi pati si Mr. Eddie Garcia.
“Si Tito Eddie, nakatrabaho ko na siya before sa Koreana in 2010.
“Tapos first time ko ring makatrabaho si Ms. Sunshine Dizon. Isa siya sa hinahangaan kong artista noong sumali ako sa StarStruck.
“Kaya ang suwerte ko na napasama ako sa teleserye na ito.”
Kasama rin sa cast sina Bembol Roco, Gladys Reyes, Keempee de Leon, Hiro Peralta, Juancho Triviño, at Mark Herras.
Ang role ni Kris sa Little Nanay ay isang ina na may mental disorder.
Si Chlaui Malayao, isa sa mga bida ng teleseryeng Yagit, ang gaganap na anak ni Kris.
Inilarawan ni Kris ang karakter niya at kung paano niya ito binigyang buhay.
“Mother ako dito na may sakit na schizophrenia.
“Bukod sa acting workshop, nag-consult din kami sa isang psychiatrist para alam namin kung ano ba talaga ang sakit na ito at kung paano ba ito naku-control.
“May mga nakausap din akong mga patients na may ganitong disorder.
“Gusto ko kasing malaman kung paano ba sila kumilos. Ano ba ang naiisip nila at kung paano sila makitungo sa ibang tao.” -- For the full story, visit PEP.
Tags: krisbernal
More Videos
Most Popular