ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ex-partner ni Herbert Bautista na si Tates Gana, kakandidato rin sa Quezon City


Sinamahan ng singer-actress na si Karla Estrada ang kaibigang si Tates Gana sa paghahain ng huli ng certificate of candidacy (COC) sa COMELEC para tumakbo sa lokal na posisyon sa Quezon City.
 
Sa ulat ni Glen P. Sibonga sa Philippine Entertainment Portal, sinabing tatakbo sa pagka-konsehal si Tates sa darating May 2016 elections.
 
Si Tates ang dating life partner ni Q.C. Mayor Herbert Bautista, at mayroon silang dalawang anak.
 
Sinasabing nagkalabuan ang relasyon ng dalawa nang maugnay si Herbert kay Kris Aquino.
 
May mga ulat din na si Kris ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagtakbo ni Herbert bilang senador sa 2016, at sa halip ay tumakbo na lamang muli ang alkalde sa kaniyang kasalukuyang puwesto sa lungsod.
 
Gayunman, itinanggi ni Kris na may kinalaman siya sa planong pulitika ni Herbert.

Kaugnay nito, sinabi ni Karla na may mga naghihikayat din sa kaniya na pasukin ang pulitika pero tinanggihan niya.

Aniya, “Papaano ko siya [Tates] matutulungan ng 100 percent kung aasikasuhin ko pa yung akin [kandidatura]?”

Dagdag pa niya, “Actually, hindi lang last year o this year may offer, by the time na nag-boom si Daniel [Padilla, anak niya], marami ang umaawit.

“Pero agad kong sinabing ayoko.

“Sabi ko, mas gusto kong maasikaso yung mga anak ko.” -- FRJ, GMA News