ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Benjie Paras proud of sons Andre and Kobe, continues to guide them in life and love
By GLENN REGONDOLA, PEP

Masaya si Benjie Paras na nagsusumikap ang kanyang dalawang anak na maging matagumpay sa mga larangang kanilang pinasok—si Andre, 19, sa showbiz, at si Kobe, 18, sa basketball.
Natutuwa si Benjie na pinasok ng dalawang anak niya sa ex-wife na si Jackie Forster ang mga mundong malapit sa kanyang puso.
Pinasok ni Benjie ang showbiz pagka-retiro niya sa basketball, kung saan nanalo siya ng awards bilang magaling na manlalaro.
Aniya, “I'm very happy for Andre na he's successful sa career niya bilang aktor. Andun pa naman yung pagiging basketbolista niya, pero namili siya, at 'yun ang pinili niya [ang pag-aartista], so sinusuportahan ko siya."
Dugtong pa ni Benjie, “Kay Kobe naman, aba'y sobra akong saya. I'm really very happy for him. 'Yun naman talaga ang pangarap niya—to be able to play and study sa States."
“As of now, graduating siya next year, and hopefully, matuloy siya na makapaglaro sa college. 'Yung sa UCLA [University of California, Los Angeles] naman kasi, it's a verbal agreement between him and his coach. We will see pa early next year, kung itutuloy pa 'yun."
Guiding his boys
Marami pa raw pagsubok na pagdadaanan ang kanyang mga anak, kaya bilang ama, patuloy pa ring ginagabayan ni Benjie sina Kobe at Andre.
Marami pa raw pagsubok na pagdadaanan ang kanyang mga anak, kaya bilang ama, patuloy pa ring ginagabayan ni Benjie sina Kobe at Andre.
Sabi pa ni Benjie, "Bata pa naman sila, so I'm still here to guide them, and to make sure na tama ang dinadaanan nila. 'Yun lang naman talaga ang trabaho ng mga magulang.
“Kaya sabi ko nga, importante talaga na kaibigan mo ang mga anak mo, kasi madali silang mag-open up sa mga sentiyemento nila, pag alam nila na handa kang makinig sa kanila.”
Bilang ama ng dalawang guwapong binata, ano ang mga kinatatakutan ni Benjie, lalo na't nagsisimula pa lang sila Kobe at Andre sa kani-kanilang propesyon?
Saad ni Benjie, “Ang lagi ko lang naa-advise sa kanila is to be sure na matapos lang nilang lahat—'yung pag-aaral, magandang career bago sila magseryoso sa love life."
“Puwede naman silang magseryoso [sa love life], wala namang problema dun. Basta wala lang conflicts sa maraming bagay, kasi this is the price that they have to pay, e."
“Bilang isang athlete, o bilang isang aktor, they have to sacrifice. Kung gagawa sila ng bagay na maapektuhan ang kanilang careers, huwag na muna."
"Kasi, 'di mo naman mauusog ito, e. Unlike sa ibang bagay tulad ng love life, puwede mong paghintayin.”
Sa ngayon, wala pa raw dapat ipagalala si Benjie sa mga anak.
“Wala pa naman akong nakikitang problema sa dalawa.
“I'm very thankful na wala pang nababalitaang ganun. Si Andre, masyado siyang masipag sa trabaho niya, and he sees to it na kapag wala siyang trabaho, nagwu-work out siya. Nagpapakundisyon pa rin, para at least, maganda pa rin ang katawan niya sa movies."
“Si Kobe naman, alam naman natin kung gaano siya ka-focused sa dream niya, na kahit malayo siya sa amin [he's in the US], dun talaga siya naka-concentrate.”
Andre and Yassi
Nagdududa ba si Benjie na baka may namumuong relasyon sa pagitan ni Andre at sa on-screen loveteam nito na si Yassi Pressman?
“Oo, actually, matagal na silang magkaibigan. Si Yassi, minsan nasa bahay 'yan. Sina James Reid, si Nadine [Lustre], nasa bahay 'yan pag may time sila."
“Si Andre, minsan kasama niya si Nadine na sila lang, minsan si James. Kumbaga, barkada talaga sila. And, I'm very happy na close sila."
“Mas gusto ko nga na nasa bahay sila, at sabi ko nga, huwag silang pupunta dun sa magulo, baka kainggitan sila. Aware naman sila, at natutuwa ako na lumaki sila nang tama,” sagot ni Benjie. —PEP
For more showbiz stories, visit PEP.
For more showbiz stories, visit PEP.
More Videos
Most Popular