ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bembol Roco laughs off past relationship rumors with Nora Aunor


Balik-Kapuso ang batikang aktor na si Bembol Roco bilang bahagi ng star-studded cast ng pinakabagong GMA Primetime soap na "Little Nanay," kung saan gaganap siya bilang asawa ng Superstar na si Nora Aunor.
 
Huling napanood si Bembol sa Kapuso afternoon soap na "Pyra: Babaeng Apoy" noong 2013.
 
Lumabas din siya sa mga teleserye na "Bayan Ko," "Beauty Queen," "One True Love," "Sisid," "Tinik sa Dibdib," "Asian Treasures," at "Ang Iibigin Ay Ikaw."
 
Kuwento ni Bembol, “Oo, at nasa GMA-7 na ulit tayo for Little Nanay. Nakakatuwa ang kuwento nito kasi very light lang siya. May konting drama pero lumalabas ang pagiging komedyante namin lahat."
 
“Magaling kasing humawak ng kanyang mga artista ang director namin na si Ricky Davao."
 
“Naidirek na niya ako before sa isang teleserye at noong kabataan namin ay nagkasama kami sa maraming pelikula. Kaya alam natin ang kalibre niya as an actor and a director.”
 
Forever a brother to Nora
 
Natatawa si Bembol kapag tinatanong siya ng press kung nagkaroon sila ng relasyon ni Nora Aunor.
 
Ilang beses naging leading man ni Nora si Bembol sa mga pelikulang "Tatlong Taong Walang Diyos," "Merika," "Tatlong Ina… Isang Anak," "Minsan May Isang Ina," at "Thy Womb."
 
Ayon kay Bembol, para lang silang magkapatid ni Nora.
 
“Kami kasi ni Guy, nagsimula kami talaga bilang magkaibigan. Naging parang kuya na ako sa kanya. Tuwing may problema 'yan, sa akin 'yan nagsasabi. Parang naging sandalan niya ako noon."
 
“Iiyak 'yan sa akin at ako naman, magpapayo ako sa kanya. Kaya natatawa lang kami kapag sinasabi nila na nagkaroon kami ng relasyon. Never ko kasing naisip yun sa aming dalawa. Talagang para lang kaming magkapatid ni Guy."
 
“I’m just happy na sa edad namin ngayon, nagkasama pa ulit kami at sa isang magandang teleserye pa."
 
“Ganoon pa rin naman si Guy. Kuya pa rin ang turing niya sa akin,” paglilinaw ni Bembol. For the full story, visit PEP.