Alden opens up about getting to know Maine in real life
Halos tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang ganapin ang “Sa Tamang Panahon” concert ng Eat Bulaga! sa Philippine Arena noong October 24.
Ang nasabing event ang nagsilbing hudyat ng pagpayag ni Lola Nidora (Wally Bayola) na magkalapit sina Alden at Yaya Dub nang hindi na siya humahadlang.
Ibig sabihin, sa tunay na buhay, ay maaari na ring magkita at magkausap nang personal sina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub).
Maliban sa paminsan-minsang pagkikita nila sa Eat Bulaga! ay nagkikita rin madalas sina Alden at Maine sa shooting ng una nilang pelikula na magkasama.
Ito ay ang Metro Manila Film Festival 2015 entry na My Bebe Love (#KiligPaMore), kung saan kasama nila sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas mula sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.
Ngayong unti-unti na nilang nakikilala ang isa’t isa, na-meet ba ang expectations o nabago ba ang perception ni Alden tungkol kay Maine?
Tugon ng Pambansang Bae, “Actually, kung ano ini-expect ko, yun ang nakuha ko, e.
“Parang I saw her on TV as makulit person, that’s how she is in real life.
“So, nothing much, wala masyadong naiba sa perception ko.”
Sa kabilang banda, ano naman ang dating pagkakakilala sa kanya ni Maine na naiba nang magkalapit na sila?
Sabi ni Alden, “Akala niya raw tahimik ako. Akala raw niya hindi ako madaldal.
“And we discovered we both like to have fun, makulit… We don’t want dull moments.”
Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! magazine si Alden sa shooting ng My Bebe Love nitong Martes ng gabi, November 10, sa Blue Leave Events Pavilion sa MacKinley Hill, Taguig City. —PEP
