ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Eula Valdez says boyfriend Rocky Salumbides a 'reluctant star'
By ROMMEL GONZALES, PEP
Malaki ang paghanga ni Eula Valdes sa boyfriend na si Rocky Salumbides na tinawag niyang isang "reluctant star."
Pagyayabang ni Eula, “Saan ka naman nakakita ng baguhan, una o pangalawang indie pa lang, nagkaroon na ng award?”
Nanalo si Rocky ng Best Supporting Actor awards sa indie movies na Tarima, Muli, at kamakailan, para sa Piring.
“Nakakatatlong Best Supporting Actor [awards] na 'yan," aniya.
Dagdag niya, "Sabi ko, ‘Binibigyan ka na nga, sinasabi na nga ng Diyos sa iyo kung anong path ang pupuntahan mo, ikaw pa rin yung ayaw.’ Kasi dati, kaya siya ayaw magtuluy-tuloy, hindi niya ma-gets kung bakit hindi on time nag-uumpisa [ang shooting o taping]."
“Ngayon, medyo na-accept na niya nitong huling award niya. Sabi ko sa kanya, ‘Pangatlong award mo na 'yan, ha? ‘Ako, ilang taon na ako bago [nagka-award]. Ang suwerte mo nga!"
“‘Biruin mo, nakakailan ka pa lang [na pelikula], award agad tapos aayaw-ayaw ka pa? Ano, hihintayin mong sabihin ng Diyos na… 'Ilang chances na ibinigay ko dito, ayaw pa, e, di huwag na.’"
Magkasama ngayon sina Eula at Rocky sa Princess In The Palace sa GMA-7, kung saan ginagampanan ni Eula ang papel bilang presidente ng Pilipinas.
Ang love interest niya bilang si Presidente Leona sa naturang serye ay ang pulis, model at Mister International 2014 na si Neil Perez.
Tulad ni Rocky, guwapo at hunky si Neil.
Hindi kaya ito pagselosan ni Rocky?
“Hindi! Alam mo naman kung kaninong ‘pandesal’ ang gusto ko! Kung kaninong bakery ako bumibili ng ‘pandesal,’” at tumawa ang aktres. For the full story, visit PEP
Tags: eulavaldez, rockysalumbides
More Videos
Most Popular