Filtered By: Showbiz
Showbiz

Juancho Trivino describes Alden Richards as a classmate: 'Matalino siya tsaka very punctual'


Natutuwa ang Kapuso actor na si Juancho Trivino na maganda ang effect sa career niya ng pang-i-spoof kay Alden Richards sa Bubble Gang.

Ani Juancho, “Positive effect! Naaliw sila.

“And surprisingly, wala kaming nagiging bashers. Wala kahit isa.“

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Juancho sa Studio 6 ng GMA-7 noong November 10,  kung kailan ginanap ang presscon ng Little Nanay, ang primetime serye kung saan ginagampanan niya ang role na kapatid ng bidang si Kris Bernal.

May reaksyon ba si Alden sa pangagagaya ni Juancho sa kanya?

Sagot ni Juancho, “First time ko siyang makita ulit was nung nag-guest ako sa Sunday PinaSaya [noong November 8]. And hindi kami nakapag-usap masyado, e.

"Siyempre busy siya and maikli lang yung time namin together.

“So ang sinabi ko lang sa kanya, ‘Congratulations, bro, sa na-achieve mo ngayon.

“Classmate ko siya before, sa La Salle, La Salle Canlubang. College, Business Management kami pareho.”

Isang taon daw niyang nakaklase ang Pambansang Bae.

COLLEGE MEMORIES. Kumusta si Alden bilang kaklase?

Tugon ni Juancho, “Ano siya, matalino siya tsaka very punctual.”

Sino ang mas matalino sa kanila ni Alden?

“Siya! Backseat boy ako, e,” at tumawa si Juancho.

Sino ang mas heartthrob sa kanila noong nag-aaral sila?

"Siya, siya! Mas ano siya, mas approachable siya dati.

“Konti lang tao sa La Salle before, so lahat kaibigan namin," tugon ni Juancho.

DIFFERENT PATH. Paano siya aabante kung nandiyan pa rin si Alden na ginagaya niya sa show?

Ani Juancho, “Hindi naman kasi ako nakikipag-compete. Hindi siya kumpetisyon for me.

“Because iba yung path ko. Ako nasa comedy ako and siya nasa hosting, Eat  Bulaga and stuff and more on drama.

"Ako, bini-build ko yung brand ko na iba from him.

“Pero hindi ko pinagbabasehan siya. Sa totoo lang, nagiging ano ko nga siya, e.

Parang inspiration.

"Kasi siyempre galing siya sa same roots as me.

“Parehas kami ng pinagdaanan. Nag-commercial kami, nag-modeling muna kami bago sumabak ng showbiz.

"So, siguro yung mga ibang ginagawa niya na tina-try ko i-apply sa career ko, para siyempre mas maging successful ako sa career ko.”

Kinuwento pa ni Juancho ang naging takbo ng kanyang career bilang artista.

“Ako kasi, hindi naman sa pagiging basehan ko pero parang nararamdaman ko, yung waves ng career ko kasi before, kapag lumalabas ako, may recall, kasi sa Teen Gen [isang drama series noong 2012], sobra, sobra yun.

"And then after that, nung nag-Villa Quintana [isang drama series nung 2013], nagkontrabida ako. Ramdam ko na medyo parang, 'Uy, siya ba yun? Siya ba yun?’

“Parang ganun na lang.

“Ngayon, hindi ko naman alam na ganun pala yung effect nung ginagawa ko sa Bubble Gang.” -- PEP.ph