ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Felix Roco mum on how reconciliation with dad Bembol happened



 

Ayaw idetalye ni Felix Roco ang mga pangyayari sa likod ng pagkakayos nila ng kanyang ama na si Bembol Roco.   

Sa press conference ng pelikulang "Angela Markado" noong November 24, nakiusap si Felix na huwag na lang ungkatin ng media ang naging pag-uusap nilang mag-ama.

“Pasensiya na po, pero hangga’t maaari, I don’t want to talk about it in public.

“It’s a very private and personal thing between me, my brother, and my dad.

“Sana po ay naiintindihan ninyo.

“Never naman akong nagkukuwento tungkol sa mga nangyari sa family namin kaya sana ay maintindihan ninyo.”

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Bembol na hangad niyang maibalik ang closeness nila ng kanyang kambal na anak na sina Felix at Dominic.

Nagpapasalamat ang aktor na binigyan siya ng pagkakataon ng kanyang mga anak na maayos ang relasyon nila.

Diin naman ni Felix, “Hindi naman po madaling ibalik ang lahat, e.

“Marami kasi kaming pinagdaanan.

“But we appreciate the effort that our dad gave para, at least, magkausap kami nang maayos.”

Magkasama sina Bembol at Felix sa remake ng classic film na Angela Markado, na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann sa ilalim ng direksyon ni Carlo J. Caparas.

Pero wala raw eksena si Felix na kasama ang kanyang award-winning actor-dad.

“We had different scenes po kasi.

“Magkaiba ang mga locations namin at hindi pareho ang shooting days din namin.

“Kaya hindi kami nagkita sa set or nagkasama sa isang scene.

“Most of my scenes kasi are with Andi, Paolo Contis, Polo Ravales, Epy Quizon, and C.J. Caparas.” -- For the full story, visit PEP.