ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Sunshine Cruz open to falling in love again once right guy comes along
By NONIE V. NICASIO, PEP
Ipinahayag ni Sunshine Cruz na hindi siya na-trauma na magmahal ulit, kahit nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila ng asawang si Cesar Montano.
Pahayag ng aktres, “Naku, ang sarap-sarap ma-in love, ano? At masarap kiligin. Kaya hindi ako matu-trauma diyan!"
“Though, of course, I will be very cautious this time and I'll make sure na kung makikipag-relationship ako, 'yung sana 'yun na. Hindi na 'yung paiba-iba, kung may choice ako. Pero kasi gamble ang pagmamahal. Sabi nga nila, gamble 'yan, e. 'Di mo alam kung tatagal o hindi."
“But, basta ang akin, kung mayroon man akong ano sa lalaki, 'yung kailangan nilang gawin, 'yung matatanggap nila ang past ko at mamahalin nila mga anak ko."
“Siyempre 'yung respeto. Mahalaga na may respeto lang sa akin at sa mga anak ko.”
Suitors
May nanligaw ba sa kanya mula nang naging ‘dalaga’ siya ulit?
Pagtatapat ni Sunshine, “I will be a liar and ipokrita if I say na wala. Mayroon talaga. Pero wala pa akong napupusuan at kung mayroon man, I don’t want to waste their time."
“Kapag hindi ko type at nakikita kong wala namang spark, huwag nang patagalin. Huwag nang paasahin 'yung lalaki. Basted na. Sa edad kong ito ay hindi na ‘yan pinatatagal. Hindi naman ako teenager o nasa 20s na puwede pang mag-take time at patagalin ang buhay."
“Ngayon siyempre, pati mga lalaking nanliligaw sa akin na ang edad ay alanganin na at nagmamadali na ang mga iyan, hindi ba? So, kung talagang walang pag-asa, huwag nang patagalin.”
Marami na ba siyang nabasted?
“Marami na rin, marami na rin akong na-turn down. It’s because wala pa akong tatlong taong hiwalay and I’m enjoying my single life right now, my independence and my kids."
Handa na ba si Sunshine magmamahal ulit?
Sagot niya, “I don't know. In God's time I know that he will arrive. But right now, I’m just enjoying my life."
"At wala pa kasi talaga akong napupusuan sa mga kung sino mang may interes or nagkakainteres. All I can offer right now to those people, friendship lang talaga. Wala pa, e. Wala pa ang kilig factor."
"Wala pa kong nakikita na someone na naiisip ko na puwede kong makasama ng matagal na panahon.”
Paano kung biglang dumating ang right guy na magpapakilig sa kanya?
Tugon ni Sunshine, “E, why not?! Puwede naman na! Magta-tatlong taon na akong hiwalay and parang wala naman nang magiging issue."
Dagdag niya, “So, parang ang sa akin, everybody deserves to be happy. I deserve to be happy. Alam ko 'yan, so yun lang." —PEP
For the full story, visit PEP.
Tags: sunshinecruz
More Videos
Most Popular
