ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards and Maine Mendoza defend AlDub Nation over bashing issue


 

 

Ipinagtanggol nina Alden Richards at Maine Mendoza ang AlDub Nation, bansag sa hukbo ng kanilang mga tagahanga, kaugnay ng impresiyon na napaka-protective at possessive ng mga ito pagdating sa kanila.

Kapansin-pansin kasing kapag may nadadawit na ibang celebrities alinman kina Alden at Maine ay naba-bash ang mga ito sa social media.

Sa madaling-salita, ayaw ng maraming miyembro ng AlDub Nation na maugnay sa iba ang kanilang mga idolo.

Nito nga lamang linggo ay inulan ng batikos ang Sunday Pinasaya director na si Rich Ilustre at ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose dahil sa hindi pagkakaintindihan na nagsimula sa social media.

Nagsimula ang isyu tungkol sa isang katanungan ng isang fan sa Twitter kung ang girlfriend ba ni Alden sa totoong buhay ay si Julie Anne, na kasamahan ng Pambansang Bae sa Sunday Pinasaya at minsan na ring na-link sa kanya romantically.

Diumano's sumagot ng "yup" si Direk Rich, ngunit napag-alamang in-edit ang kumalat na screen shot ng sagot niya dahil ang totoong sagot daw nito ay "nope."

Sa grand press conference ng unang pelikula nina Alden at Maine bilang magka-love team, ang "My Bebe Love (#KiligPaMore)" nitong Miyerkules, December 9, ay kinuha ang kanilang pahayag tungkol sa pagkakadawit ng ibang tao dahil sa kanilang fans.

Pahayag ni Alden, “ Well, it’s not being possessive naman, they’re just... kumbaga, parang nasaling lang sila, na-hurt yung feelings because of a rumor that’s not true."

“And siguro po, respect na lang din po sa mga taong involved, huwag na lang po natin silang pag-usapan, kasi wala naman po sila dito.”

Dagdag naman ni Maine, “Saka wala naman pong dapat pag-awayan. Kasi misunderstanding lang po yung mga nangyari.”

Sabi pa ni Alden, “Happy lang, good vibes lang.” — PEP

For the full story, visit PEP.