Dianne Medina says boyfriend Rodjun Cruz is husband material
Nine years na sa 2016 ang relasyon nina Dianne Medina at Rodjun Cruz. Kaya madalas silang tanungin kung may plano na silang magpakasal.
Pero ayon kay Dianne, “No plans yet. Work muna. Ipon muna.”
Napag-uusapan na ba nila ang kasal?
“Yeah, pero more of… si Rodjun kasi focused sa work.
"Ayoko siyang i-pressure. Ramdam ko rin sa kanya na he’s not ready yet.
"Gusto kasi namin settled na lahat. May enough ipon, may business.
"Kasi hindi mo rin masabi kung hanggang kailan kami dito sa showbiz, e, di ba?
"At least may fallback, di ba?”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dianne nang mag-sign siya ng contract bilang celebrity endorser ng Racal Group of Companies (RGC) na kinabibilangan ng Caida Tiles, Racal Auto Center, Racal Motors, E-Bikes, at iba pa, noong Disyembre 14 sa Racal Warehouse sa Bocaue, Bulacan.
HUSBAND MATERIAL. Ano ang mga nagustuhan ni Dianne kay Rodjun?
Sagot ng dalaga, “Mabait po iyon, sobra.
"Alam niyo ang nagustuhan ko po sa kanya? Rare kasi sa lalaki iyong religious.
"Kasi mahilig akong magdasal. Every day, my petition and my act kasi is to go to church after work, right after my morning show.
“I pray. May quiet time ako with the Lord for thirty minutes every day.
"Bihira sa lalaki yung sasamahan ka, pati magro-rosary with you.
“Nag-start kasi yun nung nagka-breast cancer ang mom ko, and then she passed away.
"So, talagang naging malapit kami kay Lord because living miracle yung mom ko.
"She was diagnosed na sabi daw no chance to live, 50/50. Pero ten years pa siya ibinigay ni Lord.
“So, imagine, kung kinuha siya sa amin nang ganung kaaga, paano kami mag-aaral na magkakapatid?”
Okay ba si Rodjun sa daddy niya?
Tugon ni Dianne, “Okay naman. Love naman siya ng family.
“Kasi tight na rin yung family. Yung first cousin niya ang asawa ng kuya ko.
"So, talagang may connection na din. Tapos close ko naman din po sina Rayver.”
Paano nila napapanatiling matatag ang relationship nila, at hindi sila nagkakasawaan sa haba ng panahon nilang magkasintahan?
Tugon ni Dianne, “Kasi nga, we put God in the center of our relationship.
"Tapos every now and then, we spice up the relationship, like for example, si Rodjun mayroon siyang group sa GMA, kung saan umaakyat sila ng bundok.
“I’m not really into that. Hindi ako mahilig sa ganun.
"Pero I make sure na tina-try kong gustuhin yung gusto niya para may quality time kami together, para may iba naman.
"Laging may iba, laging may bago.”
Saan sila nagkakasundo?
Saad ni Dianne, “Nagkakasundo kami sa pagkain, sa movies.”
Hindi ba binibigyan ni Rodjun s Dianne ng dahilan para magselos?
“Tapos na kami sa phase na iyon noong mga bata pa kami.
"Siyempre may ka-love team siya na naisyu-isyu ako, pero wala na iyon.
"Parang ako rin nag-mature na kasi dati selosa ako e."
Husband material ba si Rodjun?
Pagsang-ayon ni Dianne, “As of now, yes.
"But I don’t want to pressure him.
"Kasi ramdam ko sa kanya na he’s still enjoying his single life and he’s still enjoying lahat ng trabahong nakukuha niya.
“Kasi ngayon lang siya talaga nabigyan ng break.
"So, parang nararamdaman ko sa kanya na gusto niya pa ng maraming trabaho at nag-e-enjoy siya sa pag-aartista niya, na matagal na niyang hinintay.
“So hinahayaan ko lang din siya.
"Pero yun lang sana, clear din sa kanya na I’m not getting any younger. I’m 29 already.?
"Alam naman niya. Pero hindi ko naman siya pine-pressure. Ni-remind ko lang siya.
"Yun lang naman ang worry ko, yung baby. Mahirap pag matanda ka na.” -- For the full story, visit PEP.