ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Entertainment site PEP.ph to host 'My Bebe Love' block screening
Inaabangan na ng marami ang pagpapalabas ng pelikulang “My Bebe Love” simula sa araw ng Pasko bilang bahagi ng 2015 Metro Manila Film Festival.
Tampok rito sina Bossing Vic Sotto at Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas, at ang phenomenal loveteam nina Pambansang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen and Kalyeserye sweetheart Maine Mendoza, na magsasama sa pelikula sa kauna-unahang pagkakataon.
Dahil sa inaasahang dagsa ng manonood, minabuti ng entertainment news site na PEP.ph na mag-host ng kauna-unahang block screening ng romantic-comedy film para sa mga tagasubaybay ng kanilang site at tagahanga nina Bossing, AiAi, at ng AlDub.
Magaganap ang naturang block screening sa Linggo, December 27, sa Robinsons Movieworld Galleria Cinema 5, at libre ito sa lahat ng magwawagi sa kanilang mini contest.
Ayon sa PEP.ph, kinakailangan lamang sagutin ang tanong na “Who among the cast members will debut on the big screen via the movie, My Bebe Love: #KiligPaMore?”
Maaaring sagutin ang katanungan mula December 16 hanggang 25, at mamimili ng 40 winners na magwawagi ng tig-anim ng ticket para sa block screening sa December 19, 21, 23, at 25. —Bianca Rose Dabu/AT, GMA News
More Videos
Most Popular