Ano ang mangyayari sa 'Walang Tulugan With The Master Showman?'

Isa si John Nite sa mga co-host ng kaniyang namayapang tiyuhin na si German "Kuya Germs" Moreno sa GMA show na "Walang Tulugan With The Master Showman." At sa pagkawala ng kinikilalang ama-amahan ng marami sa showbiz, hindi maiwasan na may magtanong kung ano ang mangyayari sa naturang programa.
Inihayag ni John, na may ilan na raw na nagtatanong sa kanya kung ano ang mangyayari sa kanilang programa na napapanood tuwing Sabado ng gabi.
Pahayag ni John, "Ang sinasabi ko lang, 'It's not my call.'
"I'm just voicing this out kasi it's not my control.
"The network, sirs, it's your [call]."
Ang tinutukoy ni John ay ang major shareholders ng GMA Network na sina Atty. Felipe Gozon, Gilberto Duavit Sr., at Menardo Jimenez.
Sabi pa ni John, "Pero confidentially, 'yon talaga ang worry niya.
"Sa 60 or 70 young people na nakikita naman niya na...Lalo na may nag-Jake Vargas na, may Destiny Rose [Ken Chan] na, may Hiro [Peralta] na.
"You know, he always proved people wrong. Kapag pinagtiyagaan mo kasi at nag-continue then, may mangyayari diyan."
Dahil dito, sabi ni John, "I really just hope, 'yong ang feeling ko ngayon e we always thought of continuing the legacy."
At kung sakali, handa naman si John na humalili sa kanyang tiyuhing si Kuya Germs.
"I'm pressured right now kasi, what would happen?
"His memory will linger. Sana mabigyan tayo ng chance to continue.
"Puwede tayong maiwanan in the middle, pero someone has to continue it.
"We don't ask forever, but just have something for the kids. I guess that's his legacy, to fulfill a lot of [dreams]."
"Sa huli, sabi pa John, "I just think positive, I'm a positive person.
"With his death, it's just a symbolic way of leaving us.
"We're really startled by his passing, but his memories would still linger."
NORA AUNOR AS MASTER SHOWMAN? Samantala, sa panayam ni Nora Aunor sa DZBB Super Radyo sa araw na ito, January 14, sinabi niyang willing siyang ipagpatuloy ang legacy ng kaibigang namayapa.
"Nakahanda po ako na ako ang gumawa ng ginagawa niya sa kanyang show. Alam kong mahal niya yung show.
"Hindi ko alam kung puwede na ako ang magpatuloy ng Master Showman ngayong wala na siya." -- For the full story, visit PEP.