Danica Sotto puzzled by people's curiosity on how she will address Pauleen Luna
Ipinagtataka ni Danica Sotto kung bakit parang ginagawang big deal ng iba kung paano niya tatawagin si Pauleen Luna ngayong magiging misis na ito ng daddy niya na si Vic Sotto.
Nitong Sabado, January 30, magaganap ang pag-iisang dibdib nina Vic at Pauleen sa St. James The Great Parish, Ayala, Alabang.
Saad ni Danica, “Actually, doon ako nagtataka. Why do people make a big deal on what I’m going to call her? Why? Do I have to call her Mom? No."
“Kahit naman may stepmom ka, puwera na lang kung yung stepmom mo na yun, siya ang magpapalaki sa ‘yo, yun, puwede mo pang tawaging Mom. Pero matanda na kami. Hindi na namin siya kailangang tawaging Mommy."
“And pangalawa, sinabi rin ni Pauleen ‘yan, meron kaming mga mommy, so hindi namin kailangang agawin ang puwesto ng mga mommy namin.”
Sabi pa ng 32-year-old TV personality, “Kaya I’m so, so puzzled na ang daming taong tawang-tawa sa tanong na ‘yan. Parang, ‘Ano ang itatawag mo?’ Iyang tanong na ‘yan, parang common sense."
“Alangan namang tawagin mong Tita or Ate, siyempre you address her kung ano ang tingin mo sa kanya."
“Siyempre, I’m older. Ang weird naman, bakit Mom, e, di naman siya ang magpapalaki. Siguro if she were older than me, baka Tita as sign of respect.
“Pero siyempre, yung name niya.”
Diin pa ni Danica, “Pero alam niyo, hindi naging isyu ‘yan, sa amin ni Pauleen at saka kay Daddy. Kaya tawang-tawa ko na yung mga tao may isyu.”
THE ACCEPTANCE.
Hindi naman lingid sa kaaalaman ng lahat na maraming pagsubok na dinaanan sina Vic at Pauleen bago nila narating ang estado na ito ng kanilang buhay.
Bukod sa malayong agwat ng kanilang mga edad—si Vic ay 61 years old, habang si Pauleen ay 27 lamang—mayroon ding apat na anak si Vic mula sa tatlong babae.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Danica, sa pamamagitan ng telepono, ay inihayag ni Danica ang kanyang saloobin nang unang ipaalam sa kanila ang desisyon ng kanilang ama na pakasalan si Pauleen.
Saad niya, “Siguro nandoon tayo sa stage na parang... Apat kaming magkakapatid. May iba-iba kaming opinyon. Ayokong magsabi ng isang bagay, hindi naman pala yun ang opinyon nila. I’d like to respect about their opinion."
“For me, of course, Daddy is very open about it, hindi naging madali. Because nga, siyempre, nakakagulat. Pero wala namang nangyaring awayan."
“More on adjustment period siguro ang nangyari ngayon at mag-a-adjust ka, parang ganun. Siguro yun ang masasabi ko."
“Kahit sino naman, kahit sinong ikakasal, merong, ‘Oo, sure ka na ba diyan? Siguro na ba kayo?’ Kahit na magkaedad. Kahit sa taong malapit ang edad sa isa’t isa, maitatanong mo talaga yun.”
ADJUSTMENT PERIOD.
Sa usaping adjustment, anong parte ang nakikita niyang pinakamahirap ngayong may misis na ang daddy nila?
Ayon kay Danica, “Well sa akin, I mean, I’m speaking for myself, hindi naman na kasi kami nakatira kay Daddy. Hindi naman na kami batang alagain. You know what I mean? Na nandoon kami sa poder niya, na parang kawawa naman kami mapapabayaan."
“Siguro kung maliit pa kami at nasa poder niya kami, siguro yun ang may adjustment. Sa amin, may adjustment, pero more on for adult na."
“Siyempre, for thirty-plus years, nasanay kami na parang he’s been single. And also, yung adjustment din na siyempre, meron kaming bagong pakikisamahan, more of that.”
Dagdag niya, “Feeling ko naman, yung relationship naman namin ni Daddy, hindi naman maaalis ‘yan. Pero siyempre, yun lang, may pakikisamahan kaming bago."
“At siyempre, yung adjustment din na since bata siya [Pauleen], crucial din na hindi ko siya puwedeng tratuhin na mawalan ako ng respect. At the same time, hindi ko siya puwedeng tratuhin na mas matanda siya sa akin."
“Hindi rin naman ako puwedeng manghingi ng advice sa kanya. But she’s very mature, kapag kausap ko siya, she’s very mature. Her way of thinking is way beyond her years.”
CONCERN, NOT FEAR.
Nang makausap namin si Danica noon, nabanggit niya na sa relasyon ng ama at ni Pauleen, kung mauuwi ito sa kasalan, ang tanging fear niya lang ay baka dumating ang panahong ma-fall out love si Pauleen sa ama dahil bata pa ito.
Itinama naman ni Danica ang salitang “fear” dahil mas akma raw ang “concern.”
“Huwag nating sabihing fear, let’s change the word into something... concern."
“Kaya lang, dumating din ako sa point na after those analyzing, wala namang makakasagot talaga niyan kundi sila. Kasi kahit nga magkaedad, sinasabing perfect sila, then ilang taon lang, hiwalay na."
“Kaya hindi mo rin talaga masasabi. Wala rin talagang kasiguraduhan. Kaya hindi ka rin puwedeng magsabi, merong ang bonggang-bongga ng kasal, picture perfect, bagay na bagay, tapos hiwalay. Hindi mo rin masabi."
“Feeling ko noon, masyado akong nagwu-worry sa kanila na hindi naman nangyayari sa ibang tao."
“Kaya ako, ang ginawa ko, ang concern ko, inisip ko na, ‘Danica, hindi ka Diyos, tumigil ka.’ Instead na mag-worry ka nang mag-worry, suportahan mo ang daddy mo. Ipagdasal mo sila. Wala kang puwedeng gawin. You don’t know kung ano ang nasa future, only God knows."
“Kaya for me, huwag na tayong manghusga. Nasabi ko na rin naman dati kay Daddy ang aming concerns, nasabi rin namin kay Pauleen."
“Sa hinaba-haba rin ng kanilang journey, ang daming kumontra, ang daming bumoto, pero desidido pa rin sila sa desisyon nila. I don’t think anybody can change their decision."
“Kaya para sa akin, kesa tayo maghusga, magdasal na lang tayo. Kasi yung ibang tao, nao-off, ‘Grabe naman yung daddy mo!’ Gusto ko sabihin na hindi namin buhay ‘yan. At the end of the day, buhay nila ‘yan.”
Sabi pa ni Danica, “Ang daming nanlalait sa kanila, bash sila nang bash, e, di i-unfollow nila. Kung ayaw niyo ang tao, di ba, lahat naman tayo kanya-kanya ng opinyon, pero dapat ipangibabaw pa rin ang respeto."
“Kung ano-ano pa ang tinatawag kay Daddy, siyempre nasasaktan din ako. Tinatawag pa nila si Daddy ng ganun. Hello, kesa manghusga, magdasal na lang kayo, ipagdasal sila o ipagdasal nila ang buhay nila.”
Ano ang laman ng dasal ni Danica para sa daddy niya at kay Pauleen?
“Ako, ang prayer ko sa kanila, itong wedding nila will be a testimony sa ibang tao at sa lahat ng nagsasabi kay Daddy na wala na siyang pag-asa, sa lahat ng taong naghusga."
“Siyempre, gusto ko naman na since pinanindigan nila ang desisyon na ito, mapanindigan nila at maging inspirasyon sila.
“Through their marriage, sana maging testimony ito at mapalapit pa sila sa Diyos at makita ng mga tao ang value ng marriage at yung inuuna ang Panginoon.” — PEP.ph
