Heart Evangelista, tuloy sa pagsagip sa mga aso at pusa
Walang makakapigil kay Heart Evangelista sa pagre-rescue ng mga pusang nakikita niya sa kalsada kahit paminsan-pinsan ay aksidente siyang nakakalmot ng mga ito.
Katulad na lamang noong Huwebes, February 4, napasugod ang Kapuso actress sa ospital dahil sa 'di sinasadyang pagkakalmot sa kanya ng pusang napulot niya sa U.P. Diliman habang nagdya-jogging.
“Na-scratch niya ako without meaning it naman,” sabi ni Heart sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters.
A photo posted by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on
Muntik na siyang hindi makarating sa contract-signing para sa bago niyang endorsement na Veterans Bank noong February 4 din.
Hindi naman daw delikado ang kalmot na aksidenteng natamo niya mula sa pusa,
“Pero sabi ko, malapit kasi sa ulo so you have to get your rabies shot, be responsible.
“Takot pa naman ako sa mga ganyan. Ilang injections pa, mga lima. Babalik pa ako for four more.”
Bagamat may mga ganitong pagkakataon, siniguro ni Heart na hindi siya hihinto sa kanyang ginagawa para sa mga pusa at asong walang tahanan.
Paliwanag ni Heart, “Gawain ko kasi 'yan kapag may nakikita akong pusa or aso.
“Marami rin kasi ang nagtatanong sa akin kung may available akong cat or dog for adoption.
“It's always been one of my advocacies.
“The other day, nakakuha ako ng kuting, dumadaan kasi e baka masagasaan.
“Lumapit naman siya sa akin, parang willing na willing sumama kaya binuhat ko na siya.
“Today, I was able get two more kittens. I was very happy kasi may mag-a-adopt.”
Kailangan lang daw niyang tandaan ang madalas na paalala sa kanya ng asawa niyang si Senator Chiz Escudero.
Paniniguro ni Heart sa huli, “I will continue to adopt. Pinagsabihan lang ako ni Chiz kanina, 'You should be careful, you know, you're too trusting.' I learned my lessons.” -- For the full story, visit PEP.